Kalook-alike ng aktor na si Jericho Rosales, namataan sa Monkayo, Davao De Oro

Kalook-alike ng aktor na si Jericho Rosales, namataan sa Monkayo, Davao De Oro

Viral ang post ng isang netizen kalakip ang larawan nilang magkakaibigan na may kasama silang lalaki na kanilang namataan sa isang amusement park sa Monkayo, Davao De Oro, dahil umano kawangis, kahawig at kamukha ito ng aktor na si Jericho Rosales.

Tila namalikmata ang magkakaibigan nang kanila itong namataan dahil kamukhang-kamukha umano ito ng aktor na si Jericho Rosales.

Ani ni Hyobz Perez sa kaniyang post: “Sir Bhai with Kuys Echo ng Monkayo, Davao de Oro” at tinag pa rito ang official Facebook page ng aktor, pati na ang Kapuso Mo, Jessica Soho Official Facebook page. 

Tila agree naman ang ilang netizens na may hawig nga ang lalaking ito sa aktor. 

Sinabi pa nilang kung may parehas lang umanong lifestyle ang lalaki sa aktor ay magiging 100% kahawig umano niya ito. 

“Some facials and diamond peel, microbladed eyebrows, good haircut and nice clothes, he could be one”

“make over lang yan lalabas tunay na kagwapuhan niyan”

May nagsabi ring baka kailangan nilang magpa-DNA at baka raw ay may nawawalang kakambal ang aktor. 

Ani nila, “Pa-DNA na ‘yan, baka mamaya may nawawala palang kambal si Echo. Malay n’yo, kayo ang maging tulay para magkita ang magkapatid!”