Kasambahay hindi binigyan ng pagkain, nanunuod lang sa amo habang kumakain!

6.2K Shares

Marami sa mga kababayan natin ang nakikipagsapalaran sa buhay upang maahon lang ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Marami rin sa atin ang mas piniling hanapin ang swerte nila sa buhay kaya namasukan bilang kasambahay sa ibang bansa at handang tiisin ang mga pangungulila nila sa kanilang pamilya na naiwan dito sa pilipinas.

Alam naman ng karamihan na hindi lahat nang nakikipagsapalaran bilang katulong sa ibang bansa ay swerte sa kanilang mapapasukan na trabaho lalo na sa kanilang magiging amo.

May mga kababayan tayo na hindi pinalad at masahol pa sa aso ang mga trato ng kanilang amo sa kanila.

May isang pinay na nakapansin sa isang kasambahay na nakaupo at nakatingin lamang sa kanyang mga amo habang kumakain ang mga ito sa isang mall.

Ang kasambahay ay isang domestic helper (DH) sa ibang bansa, napansin ng pinay na si Regine Canete Allones ang kababayan natin na hindi manlang inabutan ng pagkain ng kanyang amo habang ang kaniyang amo ay kumakain ng masasarap na pagkain sa isang mall.

SAY PA NI REGINE ALLONES :

“Kanina kumakain aq , tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table,”

“hinanda nya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods. Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbaran ko tlga kung may pagkain yung maid, (walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain,”

“it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung mangtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tirang pag kain.”

Ang kasambahay na ito ay domestic helper (DH) sa Singapore, kaya naman sa mga pilipinong may mga mahal sa buhay na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, matuto tayong intindihin ang kanilang sitwasyon at wag masyadong maluho sa pera dahil hindi nila pinupulot ang pera sa ibang bansa.

Copy link
Powered by Social Snap