Katas ni Ion Perez dahil sa sipag, nakabili ng luxury sports car!

Katas ni Ion Perez dahil sa sipag, nakabili ng luxury sports car!

Ipinasilip ng “It’s Showtime” host at partner ng komedyanteng si Vice Ganda na si Ion Perez ang bagong biyayang natanggap niya. Ito ay walang iba kundi ang kanyang bagong biling luxury sports car.

Sa kanyang pinakabagong YouTube vlog, isinama pa ni Ion ang kanyang mga subscriber noong binili niya ang kanyang bagong ‘baby’.

Napa-wow nga ang marami nang makita ang bagong sasakyan ni Ion na isang second hand luxury sports car mula sa kumpanyang BMW.

Pero kahit second hand lang ito, mukhang bago pa rin ang nasabing sports car lalo pa’t binago ni Ion ang exterior design nito ayon sa gusto niya.

Proud namang ikinuwento ni Ion sa lahat na katas ng kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho at mula sa kanyang ipon ang ipinambili niya sa kanyang bagong sasakyan.

Pagbabahagi ni Ion sa lahat, “May naipon ako na konti para sa gusto kong kotse though second-hand lang siya. Gusto ko sana mag-brand new kaso hindi pa kaya ng budget.”

Samantala, maraming netizens ang excited na makita sa mga upcoming vlogs ni Ion na ginagamit na niya ang kanyang sasakyan.

Inaabangan din ng marami si Vice na sumakay sa bagong sasakyan ni Ion.

Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Ion na ‘approve’ umano para sa komedyante ang binili niyang sasakyan.

Maging ang mga netizen ay hindi nga maiwasang humanga sa napakagandang sasakyan ni Ion.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Ion is a very simple and kind person. Ayaw niyang gumasto ng hindi sa kanya ang pera nagsusumikap siya ng mabuti.

“Wowwww ang gandaaaa kuya Ion ng Car mo Congrats more blessings to come”

“Ang ganda parang brand new tingnan nakatuwa s ion pumapalkpak pag natutuwa we love u ion”

“Wow…kasing gwapo mu na car mu super nakaka proud always god bless viceion”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES