Kobe Paras, hiwalay na kay Erika Poturnak

Usap-usapan ngayon ang pagbubura ng basketball star at anak ng komedyanteng si Benjie Paras na si Kobe Paras ng lahat ng kanyang Instagram post.

Kabilang dito ang sweet photos nila ng kanyang rumored girlfriend na si Erika Poturnak, panganay na anak naman ng actress-dancer na si Ina Raymundo.

Mabilis ding napansin ng mapanuring netizens ang tila pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa sa Instagram.

Kaya naman hindi maiwasan ng netizens na isipin na hiwalay na ang dalawa.

Matatandaan na nitong Hulyo lamang naispatan na magkasama sa isang beach trip ang rumored couple.

Agad na umugong ang haka-hakang magkasintahan ang dalawa dahil sa kanilang sweet at intimate photos.

Dahil sa kanilang mga larawan kaya hinuha ng netizens ay magkasintahan na ang dalawa.

Gayunpaman, hindi nila ito direktang kinumpirma.

Pagkatapos nito ay matatandaan namang sunod-sunod ang pagpopost ng dalawa sa kani-kanilang social media ng kanilang mga litrato.

Bago binura ni Kobe ang lahat ng larawan niya sa Instagram ay nagbahagi pa si Erika ng larawan nila sa araw ng kanyang 25th birthday noong September 19.

Kaya naman umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang balitang pagbubura ni Kobe ng larawan nila ni Erika at pag-unfollow nila sa isa’t isa.

Maraming netizens ang nanghinayang dahil hindi raw maikakaila na bagay na bagay ang dalawa.

Ilang netizens naman ang tila nasanay na sa ‘whirlwind romance’ o mabilis na paghihiwalay ng mga celebrity couple.

Narito ang komento ng ilang netizens:

“Wag na kasi mag upload ng pics para hindi hassle”

“Ok lang tapos na ang exciting part”

“Normal sa mga magkakarelasyon ang hiwalayan pero ang importante hindi isinuko ang Bataan!”

“Pinagsawaan ma eh ganon ang nangyayari kaya bihira lang sa mga stars ang nagkakatuluyan”

“kelan lng nagpost sila ng pix nla ngaun hiwalay na,parang ung kilala ko kakapost lng na galing sila Batangas,pag uwi break na”