Kris Aquino, gumaganda na ang kondisyon; naghahanap ng bagong bahay sa California

Sa panibagong Youtube video nila Cristy Fermin sa programang “Showbiz Now Na” kasama sila Romel Chika at Morly Alinio ay nagagalak nilang inihayag na umaayos na raw ang sitwasyon sa ngayon ng Queen of all Media, Kris Aquino.

Ani Nay Cristy, “Nakakatuwa ito kasi ang balita ay nagpapahanap siya ang matitirahang bahay sa Beverly Hills, sa California,”

“Alam mo naman lugar ‘yan ng mga ika nga eh mga anak ng Diyos,”

“Ito yung tindahan pati mga shop na puro branded, diba sa Beverly Hills,”

“‘Pag ikaw ay nagpunta jan, yayamanin, ‘diba.” Aniya. 

Nasabi rin sa balita na may milyonaryo umanong kababayanin nating Pilipino ang nag-ooffer kay Kris ng bahay upang tirahan niya sa California. 

Anila naman ay ibig sabihin umano nito ay gumaganda na ang kondisyon ni Kris Aquino na ikinatutuwa naman nila. 

“…Ibig sabihin n’yan, kapag ganyan ang balita, umaayos ang kaniyang sitwasyon,”

“Sana naman” Ani Romel. 

“Isipin mo, naghahanap ng bahay, ibig sabihin maganda na ang kondisyon.” Ani Morly. 

“Aalis siya ng Houston, siguro nagawa na ang mga proseso na ipinangako sa kanya na kailangang na kailangan ng kanyang katawan,” 

“At pagkatapos siguro ng mga proseso na ito na matagumpay, lilipad na naman siya ng California para doon muna siya magpahinga,” 

“Magandang balita ito”, “Positibo ito”  Ayon kay Cristy Fermin.

Marami ring tagahanga ng Queen of all Media ang natuwa sa balitang ito tungkol sa kaniya. Anila, “Thanks God,,,, Sana tuloy tuloy na pag galing ni cris….”

“God is powerful all the time God bless miss Kris we pray for you”

“Gagaling ka Kris! Kelangan ka ng mga mahal mong anak. Mabait ka. Kayong lahat. Dios lang ang nakakaalam ng lahat. At walang sino mang tao ang may karapatang manghusga.”

“Mabuti ang Diyos….. Sa Kanya mo lang ipaubaya ang lahat, gagaling ka in God’s perfect timing… Claim it! Praying for you Kris.”