Kris Aquino, pasaway umano sa kanyang mga doktor

Kris Aquino, pasaway umano sa kanyang mga doktor

May bagong rebelasyon ang showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa dating TV host na si Kris Aquino na nagpapagamot ngayon sa Amerika.

Sa latest episode ng programa niyang “Showbiz Now Na!,” ibinahagi ni Cristy na nakarating sa kanila ang balitang madalas umanong kontrahin at kwestiyunin ni Kris ang mga payo ng mga doktor sa kanya.

Ayon pa kay Cristy, dati na raw lumabas ang mga kwento tungkol sa pagiging reklamador ni Kris.

Kaya ang ending ay parang nainsulto umano ang mga doktor dahil sa pagmamarunong umano ni Kris.

Sabi pa ni Cristy, “Kahit noong dito pa po nagpapagamot si Kris, andami nang kwento… andaming reklamo. Ngayon, unti-unti na pong naglalabasan na si Kris daw po, kapag pinapayuhan ng kanyang mga doktor, kinokontra… Kinukuwestiyon kung para saan ‘yon, para kanino, bakit.”

Pagbubunyag naman ng kasamang host ni Cristy na si Morly Alinio, marami umanong doktor na naiirita kay Kris.

Aniya, “‘Yung pagiging nice mo sana ilabas mo dun. Hindi yung parang nagtataray ka pa…magsu-sungit…Ang balita ko nga karamihan po ng doktor ay naiirita kay Kris.”

Samantala, naiintindihan naman daw ng kolumnista ang pagiging iritable ni Kris dahil may sakit ito.

Iginiit din niya na ayos lamang na magtanong si Kris pero sana sa maayos umanong paraan upang hindi nito ma-insulto ang mga doktor na may mas malawak na kaalaman sa kanyang karamdaman at medisina.

Ani Cristy, “Natural lamang pong [magtanong]. Katawan naman niya iyon. Pero ‘di ba ang mga doktor, nao-offend naman pagka ganoon ‘di ba?”

Dagdag pa niya, “Totoo po yung wala pong kwestiyun kung masyado nating binubusisi kung ano yung gamot na nilalagay sa atin…pero meron pong hangganan. Kumbaga pupwede kang magtanong sa pinakamagandang paraan na alam natin.”

Matatandaang ilang buwan nang nasa Houston, Texas si Kris para magpagamot sa kakaibang sakit na dumapo sa kanya na tinatawag na Churg strauss syndrome a.k.a. Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis.