Noong nakaraang halalan ay maraming larawan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang nagsulputan sa social media na kuha mula sa kanyang mga kampanya.
Pero isa sa mga hindi malilimutang larawan ng pangulo ay ang viral na larawan niya na kuha ng photographer na si Rhoy Cobilla.
Makikita sa larawan na nasa campaign caravan ang pangulo nang ‘napitikan’ o nakunan ni Rhoy ang tila nasasaktang ekspresyon ng mukha nito habang nakikipagkamay sa maraming tao.
Kitang-kita sa larawan ang pagngiwi ng pangulo na tila dahil sa higpit ng pagkakapisil sa kanyang kamay ng kanyang maraming tagasuporta.
Ang nasabing larawan nga ay nag-uwi ng grand prize sa katatapos lamang na 2022 National Elections Photo Contest na inorganisa ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF).
Sa kanyang Facebook post, ipinagmamalaki ni Rhoy ang pagkapanalo ng kuha niyang larawan ng pangulo noong kampanya.
Aniya sa caption ng kanyang post, “BACK TO BACK CHAMPION GANDA NG PA BIRTHDAY THANK YOU LORD sa Blessing at Tiwala SARAP NAMNAMIN ANG TAGUMPAY ng PAGPPAKASAKIT…THANK YOU BRIGHT LEAF at FEDERATION OF PHILIPPINES PHOTOGRAPHERS FOUNDATION INC.”
Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pagkapanalo ng larawan ng pangulo.
Narito ang komento ng netizens:
“Oh dba pati sa photo contest nanalo, pag inggit pikit”
“Salamat po sa nanakit sa kamay ni PBBM, at nakamit ng first place ang larawang ito”
“Sabi ko na nga ba magaling Yan eh, tignan nyo first place na c bbm. Sa photo shot nga lang!”
“Sa mga gantong pag kakataon lang talaga nag kaka award si BBM HAHAHAHAHHAHAAHHA”
“Ngiwe look for the win. Kargado man o hinde ngiwe pa din.”