Lars Pacheco, nagpa-puday sa Bangkok, Thailand

Lars Pacheco, nagpa-puday sa Bangkok, Thailand

Masayang ibinahagi ni Lars Pacheco sa kanyang mga tagahanga ang kanyang gender reassignment surgery (SRS) journey.

Nagtungo sa Bangkok, Thailand ang “Miss Q & A 2018 2nd runner-up” ng “It’s Showtime” para sumailalim sa SRS sa Kamol Cosmetic Hospital, isa sa mga sikat na ospital sa mundo na nag-aalok ng nasabing operasyon.

Sa kanyang pinakabagong video sa YouTube, ipinasilip ni Lars ang ilan sa mga procedure na kanyang pinagdaanan bago ang kanyang SRS schedule mula sa pagkuha ng antigen test, konsultasyon sa kanyang doktor hanggang sa pagpapakita kung ano ang dapat at hindi niya dapat kainin.

Bagaman kabado, bakas naman sa mukha ni Lars ang excitement para sa gagawing SRS.

Saad ni Lars, “We are here in Bangkok, Thailand, and I check-in at K Garden Hotel, so today is July 27… I’m here in Bangkok, Thailand because I’m scheduled for SRS surgery on July 29 at Kamol Hospital.”

“So excited for this journey, and I will share this with you all guys,” patuloy niya.

Hanggang noong nakaraang Hulyo 29 ay matagumpay ngang sumailalim sa SRS si Lars.

Makikita naman sa ibinahagi niyang litrato sa kanyang social media accounts na tapos na ang kanyang SRS.

Caption pa ni Lars sa nasabing litrato, “We all hope for breakthrough rebirth moment. I am woman.”

Samantala, bumuhos naman ang pagbati at suporta para kay Lars mula sa netizens.

Komento nila:

“So happy for you Miss Lars Pacheco you deserve all the happiness. Congrats

“Happy for u lods…Getwell soon. Welcome to the free country,, you can do what u want as long as you are happy.”

“sana all kongrats mii”

Congrats Beautiful and hope for your fast recovery”

“Hayaan mo na sila mamsh! Live the life you love! Support!”