Liza Soberano at James Reid sa Hawaii, “parang mas bagay sila” ayon sa mga netizens

Liza Soberano at James Reid sa Hawaii, “parang mas bagay sila” ayon sa mga netizens

Si James Reid na ang bagong manager ni Liza Soberano at kaya naman, kapansin-pansin na lagi na silang magkasama sa kanilang mga lakad.

Spotted din sila na paikot-ikot sa Hawaii at umattend rin sa birthday party ng sikat na Filipino-American beauty influencer at social media personality na si Bretman Rock na nakabase sa Honolulu, Hawaii.

Sa Instagram story na ipinost ni Bretman Rock ay makikita sina Liza, James, Bretman, at kasama rin nila sa nasabing larawan ang isa sa mga sikat na Filipino-American singer at social media personality na si Bella Poarch.

Makikitang sobrang naenjoy ng dalawa ang kanilang Hawaii trip at dahil sa mga larawang kumakalat online ay maraming napansin ang mga netizens sa dalawa at hindi na napigilang mag bahagi ng kanilang mga reaksyon.

Narito ang mga komento ng mga netizens…

“parang mas bagay sila”

“magkahawig sila […] malamang cla  na… mas bagay cla”

“Sila yung saktong bagay n bagay…”

Sa kagustuhang matupad ang kanyang hollywood dream ay hindi na nagdalawang isip maging manager ni Liza Soberano ang singer-songwriter, actor, dancer, model, record producer at record label executive at ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid.

Ito ay matapos raw bigyan ng maraming offers ang aktres at nagawa niyang palitan ang long-time talent manager nitong si Ogie Diaz.

Sa bagong episode nina Romel Chika, Cristy Fermin at Morly Alinio sa kanilang Youtube channel na “Showbiz Now Na”, naging paksa at usap-usapan nila ang pagkawala umano ng kinang ng aktres na si Liza.

“Humulagpos,” sambit naman ni Cristy Fermin at sinabi pang suntok sa buwan ang pangarap nilang makapasok ng Hollywood.

“Ako mahal ko si Liza Soberano kasi mahal ko ang manager niya na si Ogie Diaz, sino man ang mahal ni Ogie Diaz may extension sa puso ko ng pagmamahal.

“Suntok sa buwan ‘yung gagawin nila ni James Reid sa pagpasok ng Hollywood, napakasusuwerte ng mga nakaentra ng Hollywood sana makasama siya ro’n, pero sa tingin ko parang matatagalan.” ani Cristy Fermin.

Sa dulo ay hiniling nalang nila na sana ay hindi mabigo si Liza sa kagustuhang maging parte ng Hollywood pero sana raw ay inalam muna nito ang tamang daan papasok sa kanyang pangarap.