Lolit Solis, nag-sorry na kay Bea Alonzo matapos niya tinira

64 Shares

Binasag na ng manager ni Kapuso actress Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang kanyang katahimikan kaugnay ng sunod-sunod na atake ng showbiz columnist na si Lolit Solis sa kanyang alaga sa social media nitong mga nakalipas na buwan.

Sa eksklusibong panayam ng entertainment website na PEP.ph, sinabi ni Shirley na lahat ng “vile” at “toxic” attacks ni Lolit kay Bea ay “unprovoked” na nagsimula raw nang pumirma ng kontrata ang aktres sa Kapuso network.

Ayon pa kay Shirley, hindi kailanman nagkausap o na-introduce sa isa’t isa sina Bea at Lolit kaya raw labis na ikinabigla ni Bea ang sunod-sunod na patutsada ni Lolit laban sa kanya.

Nilinaw naman ni Shirley na walang kinalaman si Bea at desisyon niya bilang manager nito na ipatanggal si Lolit at ang dalawa nitong kaibigang writer sa guest list ng launching ng in-endorsong beauty brand ni Bea, taliwas sa naging pahayag ni Lolit na nagpa-powertripping si Bea matapos umano silang ipatanggal nito sa nasabing launching event.

Bukod dito, iginiit din ni Shirley na kailanman ay hindi imbitado si Lolit sa mga presscon ni Bea kaya dapat sanay na raw ito at hindi na nagulat.

Ani Shirley, “All this barrage of vile and toxic attacks is totally unprovoked from our end…because I believe Bea when she said na they’ve never spoken, never silang nag-usap, and never din silang na-introduce. She was surprised. I believed when Bea was still in Star Magic and ABS-CBN, whenever they had a presscon…this person was never invited. Sanay na dapat siya na hindi siya invited kapag may presscon si Bea ‘di ba? So anong isyu? It’s really a mystery for us that we don’t even care to solve.”

“Bea has nothing to do with this. It was a manager’s decision because it was my job…No manager would throw his/her artists to the wolves on their presscon,” dagdag pa niya.

Sa huli ay tinawag naman ni Shirley si Lolit na “bully” at ang totoong nagpa-powertrip sa kanila ni Bea.

Ani Shirley, “Bullies are the ones that are power-tripping, and that’s a fact. Playing-victim by reversing the narrative. Klaruhin natin. ‘Yung mga bully sila ‘yung nagbabaliktad ng kwento para maawa sa kanila at para sa kanila maniwala. We’ve been very quiet about it because we’re very considerate of her age, of her situation even before she declared that she’s not healthy anymore, [and] getting treatment. Never kaming pumatol because bullies are just seeking attention.”

“And our stand is, we do not glorify bullies. We will never glorify bullying because bullying is never okay. Bullying will never be okay,” dagdag niya.

Samantala, kasunod ng mga bwelta sa kanya ng talent manager ni Bea ay tila natauhan si Lolit sa kanyang mga ginawang pag-atake kay Bea.

Humingi nga ng ‘sorry’ si Lolit kay Bea dahil sa sunod-sunod na “kagagahan” na isinulat niya tungkol dito.

Klinaro naman ni Lolit na wala raw siyang ‘galit’ kay Bea.

Ani Lolit sa kanyang Instagram post, “Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo. For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko. At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinagtanggol niya ang kanyang alaga.”

“Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat. Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya, I Am Very SORRY…” dagdag niya.

Sa ngayon, wala pa namang pahayag o reaksyon ang kampo ni Bea sa paghingi ng ‘sorry’ ni Lolit sa kanya.

64 Shares
Scroll to Top