Lolo na delivery rider naaksidente habang sa kalsada, bumuhos ang tulong!

Lolo na delivery rider naaksidente habang sa kalsada, bumuhos ang tulong!

Sa panahon ngayon lalo na’t sumasailalim tayo sa pandemya, lahat talaga ng pwedi nating mapasukan na trabaho ay kakayanin para sa pamilya.

Isa na rito si Lolo na isang Food Panda rider na kung saan nag viral sa social media kamakailan lamang.

Si Lolo nga ay naaksidente habang sa trabaho sa kalsada, siya si Tatay Edgardo Evesa.

Marami nga sa mga netizens ang nabahala kung ano na ang kalagayan ni Tatay sa ngayon, dahil sa katandaan raw ay masakit makita ang kalagayan ni Tatay na duguan at maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Marami naman ang rumesponde na iba pang rider na nakasaksi sa aksidente, makikita rin na may naka-alalay na kay Lolo habang ito ay nakatayo sa center island ng kalsada.

Duguan rin ang noo ni Lolo at makikita ang pag-agos ng dugo at tila nahihilo pa ito dahil sa aksidente.

Dahil naman sa mabilis na pagviral ng mga larawan ni Lolo sa social media, bumuhos naman ang maraming tulong para sa kanya.

Marami rin kasi ang nag-share sa mga larawan ni Lolo kaya marami itong natanggap na tulong pinansyal gaya na lamang ng sapatos, knee pads at elbow pads, langis at marami pang bagay na maaaring magamit ni Lolo sa kanyang trabaho.

Marami rin sa mga kababayan nating OFW ang nakiisa para matulungan si Lolo, labis rin ang pasasalamat ni Lolo sa lahat ng tumulong sa kanya, marami rin ang napahanga ni Lolo dahil sobrang sipag nito kahit may edad na.

Sa update naman sa kalagayan ni Lolo, kasalukuyan ng humihilom ang kanyang mga sugat sa noo, bente sa kanyang braso at maayos na ang kanyang lagay dahil nagpapagaling na lamang.