Hindi maiwasang manghinayang ng showbiz columnist na si Lolit Solis dahil hindi patok sa marami ang noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud.
Sa kanyang panibagong commentary, inilahad ni Lolit na nasasayangan siya dahil mga bigatin umano ang hosts ng TV show ngunit tila hindi umano ito gumagawa ng ingay.
Ani pa ni Lolit, “Nakakahinayang ang Lunch Out Loud Salve. Ang lalaki din ng mga hosts nila like Billy Crawford, Bayani Agbayani, Isabelle Daza , at isa pang female host na ok naman, pero bakit parang walang ingay ang programa.”
Kwento pa ni Lolit, isang linggo niyang pinanood ang show at masasabi umano niyang maganda ang programa dahil sa mga nakakatawang spiels o linya ng mga host nito. Giit pa niya, sayang umano at napakaganda ng programa ngunit wala masyadong nanonood nito.
“Sayang kasi pinanood ko siya ng 1 week at ok naman siya. Energetic at maganda ang mga spiels. Nakakatawa ang mga comedy line, maayos ang takbo ng programa. Sayang nga at hindi ito napapansin,” bahagi ni Lolit.
Para naman kay Lolit, kailangan mag-isip ng mga bagong pakulo ang programa dahil may potensyal umano itong maging hit noontime show.
“Dapat siguro maka isip ng iba pang marketing strategy sila PatP at Brightlight dahil puwedeng puwede lumaban ang Lunch Out Loud sa tanghali,” sabi pa ni Lolit.
Samantala, ikinumpara naman ni Lolit ang LOL sa mga katapat nitong noontime show, tulad ng Eat Bulaga ng GMA at It’ Showtime ng ABS-CBN.
Iginiit nga ni Lolit na hindi man umano kayang higitan ng LOL ang Eat Bulaga, mas maganda naman umano ito kaysa sa It’s Showtime. Depensa niya, nakakaumay na umano ang mga gimik ng programa.
Saad ni Lolit, “Huwag ng isipin talunin ang Eat Bulaga na talagang pader na, pero to be a second alternative kayang kaya ng LOL. Mas maganda pa nga ang takbo ng script nila kesa sa Showtime na nakakasawa na ang ilang gimmicks.”
Sa huli may hamon naman si Lolit sa programa.
Aniya, “Lunch Out Loud, make it louder at bonggang bongga.”
Sa ngayon, wala naman reaksyon o komento ang bumubuo ng “It’s Showtime” sa ginawang pagkukumpara ni Lolit sa kanila sa Lunch Out Loud.
RELATED VIDEO :