Makagago gigil kay Angelica Yap; inilantad ang pambabae ni Flow G!

Makagago gigil kay Angelica Yap; inilantad ang pambabae ni Flow G!

Usap-usapan ngayon sa social media ang vlogger na si Mark Jayson Warnakulahewa o mas kilala ng marami bilang ‘Makagago’. Ito ay matapos niyang ilabas sa publiko ang umano’y ‘baho’ ng rapper na si Flow G.

Sa kanyang inilabas na video, binanatan ni MG ang rapper dahil kinukunsinti raw nito ang kaibigang si Skusta Clee sa panloloko nito sa dati nitong partner na si Zeinab Harake at sa kanilang anak na si Baby Bia.

Parehong miyembro ng grupong ExBattalion ang dalawang rapper at kamakailan ay inilabas nila ang kanilang kanta na “Gaga” na tila patama umano kay Zeinab.

Hindi na nga nakapagtimpi pa si MG at ibinunyag niyang maging si Flow G ay niloloko rin umano ang girlfriend nitong si Angelica Yap a.k.a. Pastillas Girl.

Lalo pang itinodo ni MG ang kanyang mga rebelasyon tungkol kay Flow G nang maglabas naman ng isang TikTok video si Angelica kung saan sinabi nitong hindi umano apektado at kinakabahan.

Sa kanyang sunod-sunod na Facebook post ay binalaan ni MG si Angelica na huwag itong masyadong magpakampante na matino ang boyfriend nitong si Flow G dahil maging ito umano ay ipinagpapalit din siya sa ibang babae.

Ni-realtalk din ni MG si Angelica at iginiit niyang mas maganda pa umano ang “chicks” ni Flow G kaysa sa kanya.

“Hindi daw sya apektado at hindi kinakabahan. Kunware lang yan, galawan lang yan ng feeling strong. Pag naipakita ko na NgalNgal ka. Tulungan kita magbalot ulit ng pastillas,” ani MG.

Dagdag pa niya, “Masyadong kunsintidor sa manloloko at palkups yang partner mo. Sigurado kaba na hindi ka nyan pinagpapalit?”

Sa isang hiwalay na post ay sinabi naman ni MG, “Hindi daw sya ipagpapalit, feeling nya mas maganda sya ke Zeinab? E mukha lang naman syang Medyas ng paa ni zeinab haha…Minsan nga natatawa ako mga interviews nya, madalas nya i downgrade ang kanyang partner kesyo ok lang na pangit may maganda namang kalooban.Hahaha Bakit Maganda Ka Ba?”

“Jusko. Kung yung babae ni skusta kamukha nya at pareho silang pangit, Yung chiks ng partner mo mas maganda sayo realtalk,” patuloy ni MG.

At tulad ng kanyang sinabi ay inilantad na nga ni MG ang mga patunay na niloloko ni Flow G si Angelica.

Sa kanyang in-upload na panibagong video ay ipinakita nga ni MG ang ilang screenshots ng pakikipag-usap ni Flow G sa ibang babae.

Sinabi rin niyang simula pa lamang umano ito ng pagbubunyag niya sa mga nakatagong baho ni Flow G.

Samantala, matatandaan na nagsimula ang lahat nang ikwento ni Zeinab sa programa ni Toni Gonzaga na Toni Talks kung paano niya nahuling nambabae si Skusta habang ipinagbubuntis niya noon ang dapat sana ay pangalawa nilang anak na si baby Moon.

Lalo ring uminit ang isyu matapos palabasin ni Skusta na hindi umano niya anak ang ipinagbubuntis ni Zeinab na sa kasamaang palad ay pumanaw nga.

Kasunod nito, lumantad naman ang pangalang Aira Lipata, na sinasabing dahilan ng pagkasira ng relasyon ng dating mag-partner.

At kamakailan, tila kinumpirma na nga ni Skusta kang relasyon nila ni Aira nang mag-post sila sa kani-kanilang social media account ng kanilang mga sweet photo.

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES