Maymay Entrata, sasali sa Bb. Pilipinas at Miss Universe?

Maymay Entrata, sasali sa Bb. Pilipinas at Miss Universe?

Maymay Entrata, pwedeng-pwede umano sumali sa Bb. Pilipinas at Miss Universe Philippines dahil qualified umano ang singer-aktres ayon sa mga netizens.

Umani ng samo’t-saring positibong mga komento ang production number ni Maymay Entrata sa naganap na Bb. Pilipinas 2022 coronation night noong Linggo, July 31, 2022.

Top trending ang pagkanta niya ng kanyang latest single na ‘Amakabogera’ habang confident namang rumarampa ang mga kandidata sa kani-kanilang mga swimsuit attires.

Ani ng mga netizens na supportado nila kung sakaling sasali man ang singer-actress na si Maymay sa nasabing beauty pageant.

Narito nga ang mga komento ng mga netizens..

“Next bb pilipinas sana sumali c maymay and i/we support maymay sa bb pilipinas”

“Yn,,, c Maymay dapat abangan n lumaban  din sa binibining Pilipinas […]  png beauty queen din beauty nya ,,eeehh”

Ngunit kung matatandaan, sa isang panayam ay sinabi niyang hindi raw umano pinangarap ni Maymay Entrata na maging isang beauty queen.

 “Wala po talaga. Hindi ko pa po siya pangarap,” pahayag ni Maymay.

Sa kanya namang Instagram post patungkol sa naging performance niya sa coronation night ng Bb. Pilipinas, nagpasalamat si Maymay sa mga taong tumutulong sa kanya upang magpatuloy sa kanyang karera.

Caption niya,” Ang maging parte po ng industriya ng showbiz ay isang malaking biyaya sa probinsyanang katulad kong nangagarap lang maging artista.

“Pero I’m giving myself a chance po to improve sa craft ko ay higit pa sa kasabihang ‘blessing’,

“Wala pa man ako sa puntong I achieved na what I wanted for myself bilang isang performer pero sa tulong nyo, mga taong mahal ko, at sa Panginoon, alam ko balang araw maaabot rin yun.

“Muli salamat sa lahat ng taong tumulong sakin to keep moving forward.”