Naganap na nga ang coronation night ng Miss Universerse 2022 ngayong araw, ngunit nabigong masungit ni Celeste Cortesi ang korona bilang pambato ng Pilipinas.
Kaya naman samo’t saring komento mula sa mga netizens ang natatanggap ngayon ng Beauty Queen, maraming celebrities rin ang nagpa-abot ng kanilang pagmamahal para kay Celeste Cortesi.
Janine Gutierrez
Sa pamamagitan ng kanyang tweet, nagbahagi ang Kapamilya aktres na si Janine ng kanyang mensahe para sa mga netizens na nadismaya, naapektuhan o nalungkot dahil hindi nakapasok ang pambato ng Pilipinas kahit sa Top 16.
aniya ; “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s events.”
As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s events.
— JANINE (@janinegutierrez) January 15, 2023
Catriona Gray
Isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nagbigay ng encouraging words para sa fans ni Celeste Cortesi dahil hindi ito nakapasok sa top 16.
aniya; “Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia—I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year,”
Steven Bansil
Tungkol naman sa mga bashers at sa mga bumabatikos kay Celeste Cortesi dahil na rin sa pagkatalo nito sa Miss Universe 2022, may mensahe ang content creator na si Steven.
Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya na kung masakit daw ang nangyari sa Pinoy pageant fans, mas masakit daw ito kay Celeste Cortesi dahil siya raw ang sumira sa 12 years na winning streak ng mga kandidata sa semi-finals at finals, na sinimulan ni Venus Raj noong 2010.
Aniya; “As I browse through my news feed I feel really bad for Celeste Cortesi. Dami ko nababasa na her performance daw kasi is weak, kesho shes not yet ready at malayo daw kasi yung dating niya kay Pia at Catriona. And the worst part is, siya daw sumira sa 12-year semifinal placement streak ng Philippines sa Miss Universe.”
“Imagine how she feels to disappoint the whole nation after months or grueling preparation. Kung kayo disappointed, malamang mas mabigat to para sa kaniya. Wag kayong harsh mga accla! The contenders this year are really strong and it’s a competition after all, we lose some, we win some.”
“Bawi na lang tayo next year! Congratulations pa rin Ms. Celeste Cortesi, you’re beautiful and thank you for representing the Philippines!,”
Bago naganap ang Coronation night ng Miss Universe 2022 ay nagkakainitan sa social media ang mga fans ni Miss Philippines at Miss Thailand.
Itinanghal na Miss Universe 2022 ang pambato ng USA na si R’Bonney Gabriel, na isang half-Pinay, kaya naman masaya na rin ang mga Pinoy.