Moira Dela Torre, ginamit daw ng ex-mister para sumikat ang bagong kanta nito

Sa mga nakalipas na raw, naging sentro ng usapan ang singer-songwriter na si Jason Marvin Hernandez.

Ito’y matapos siyang mag-upload ng mga litrato kasama ang isang mystery girl.

Sa isang video rin, kuha ang paghawak ni Jason sa babae habang masayang nanonood ng concert sa Los Angeles.

Inakala ng fans na nagkabalikan na sila ni Moira dela Torre ngunit pinabulaanan ito ng huli.

Noong May 23 naman ay nag-upload siya ng isa pang litrato habang yakap siya ng babae sa Horseshoe Bend, Arizona.

Aniya sa caption, “Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”

Sinabi ito ni Jason isang taon matapos niyang kumpirmahin na hiwalay na sila ni Moira.

Matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, inamin ni Jason na naging “unfaithful” siya kay Moira.

Ginamit si Moira para sumikat ang kanyang bagong kanta

Inulan ng batikos ang bagong kanta at music video ni Jason na “Ikaw Pa Rin” na para raw kay Moira.

Ito’y isang awitin na nananabik sa dating kasintahan kahit may kasama ng iba.

Sa unang bahagi ng video ay ang mga moments ni Jason at ng babaeng hindi pinakilala at pinakita ang mukha.

Hindi naman inaasahan ng mga fans na sinali ni Jason ang ilang clips na kuha mula sa kasal nila ni Moira noong 2019.

Marami ang naantig sa tagos-pusong kanta ni Jason ngunit marami rin ang hindi nagustuhan ang paggamit niya kay Moira para i-promote ang kanta.

Komento ng isang netizen, “Grabe naman yung kinuha pa yung clips from their wedding kaloka may bago na nga girl ayaw pang lubayan ang ex. Gamit na gamit na si ex ah.”

“So nagpa-ingay for the music video nga? Didn’t watch. Di niya deserve 1 view ko,” sabi pa ng isa.

Binanatan din ni J’mee Dela Torre, kapatid ni Moira, ang paggamit ni Jason sa kanyang ate dahil hindi naman tumutugma ang lyrics sa totoong nangyayari at mina-manipulate lang umano ni Jason ang mga tao.

“Naiirita lang ako kasi ang layo talaga ng mga pinagsasabi mo sa lyrics ng kanta mo. Why do you need to manipulate people into thinking,” ani J’mee.

“Ginamit pa ‘yung video clips from the wedding, concerts, and Tagpuan MV–without my ate’s permission? Forda clout chasing amp you’re getting too desperate and it’s kinda funny lol,” dagdag pa niya.

Hindi ito ang unang kanta ni Jason tungkol sa hiwalayan nila ni Moira dahil noong 2022 ay nag-release din siya ng “Ako Nalang” na tungkol sa isang tao na sinubukang iligtas ang relasyong sinira niya.