Mona Alawi nag agaw buhay bago ang kanyang birthday!

781 Shares

Hiling ng Alawi family at ng kanilang ilaw ng tahanan na si Mama Alawi ang mabilisang paggaling ni Mona Alawi.

Ibinahagi kasi sa latest vlog ni Ivana Alawi ang nangyari kay Mona Alawi dalawang linggo bago ang kanyang birthday na kung saan siya nag-agaw buhay.

Say pa ng ina nila Ivana Alawi at Mona Alawi na kung pwedi lang ipasa sa kanya ang sakit na nararamdaman ni Mona ay gagawin daw niya ito.

Naiiyak si Ivana Alawi ng sabihin ni Mona Alawi na ni-reject ni Papa God si Mona at sinabing hindi pa raw oras ni Mona at biglaang naging stable ang kalagayan nito.

Sa birthday wish naman sa mismong kaarawan ni Mona Alawi nakatanggap ito ng surpresa mula kay Ivana Alawi na isang mamahaling regalo.

SAY PA NI MAMA ALAWI :

“Natakot ako, two weeks ago… tatlong beses siyang muntik, muntikan. Kamuntik talaga. Alam mo ‘yung sobrang lamig na ng katawan niya, ‘yung kamay niya pag hinawakan niyo wala na… ‘Pag itinatayo na siya wala na bumagbagsak na siya,”

Idinetalye rin ni Mona Alawi na sobra ang naiturok niyang insulin sa kanyang katawan na hindi dapat dahil siya ay Diabetic.

Ibinahagi rin ni Mona Alawi na habang siya ay nag-aagaw buhay, nakikita raw niya ang kanyang sarili habang inaasikaso siya ng kanyang ina para bumalik ang kanyang malay.

KWENTO PA NI MONA ALAWI :

“Ako nasa may paahan ng kama, oo nakikita ko sarili ko. Kasi wala akong control sa body ko like ‘yung buto ko, hindi ko talaga magalaw”

SAGOT NAMAN NI MAMA ALAWI :

“Parang pinanonood mo na kaluluwa mo nasa labas na para panoorin mo ‘yung sarili mo, yun ang nakakakilabot,”

WATCH THE VIDEO :

781 Shares
Scroll to Top