Kumpirmadong isa nang “Kakampink” si Rowena Wengkie Quejada na gumanap bilang “Mosang” sa sikat na “Len-Len: The Untold (Not so clear story)” series ni direk Darryl Yap.
Trending ang biglaang pagkambyo ni Rowena ng kampo at mula nga sa pagiging isang solid supporter ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio ay nagpahayag siya kamakailan ng suporta para sa katunggali nitong si VP Leni Robredo.Kung babalikan, kritikal na karakter sa serye ang karakter ni Rowena dahil sa kaliwa’t kanan nitong linya na tila patutsada sa kampo ni VP Leni.
Sa isang Facebook post, ipinakita ni Rowena na isa na siya ngayong Kakampink matapos siyang sumali sa Leni-Kiko campaign rally sa San Fernando, Pampanga.
“We are PINK and YES we are here @San Fernando, Pampanga,” saad ni Rowena sa caption ng kanyang post.
Samantala, sa panayam ng Inquirer kay Rowena, inamin niyang kaya siya lumabas bilang supporter ni VP Leni ay dahil hindi umano niya kayang ipagpalit ang kanyang prinsipyo sa pera.
“Hindi ko kayang ipagpalit ang prinsipyo ko — kahit hindi ko na siguro makuha ang bayad ko para sa dalawa pang shooting,” pahayag ni Rowena..
Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang paglipat ni Rowena ng sinusuportahang kandidato.
Narito ang ilan sa kanila:
“Thank you po ma’am sa pagtindig”“Salute Madam!”
“Character development. Thank you so much po”
“Salamat sa pagtindig…prinsipyo over pera talaga”
Kasalukuyang wala pang inilalabas na reaksyon o pahayag ang VinCentiments na pinangungunahan ni Direk Darryl Yap sa pagpapahayag ng suporta ni Rowena kay VP Leni.