Mura nagsalita na sa biglaang pagka-wala ni Mahal!

1.2K Shares

Sa panibagong video na ibinahagi sa social media, nagsalita na si Mura tungkol sa nakakagulat na paglisan ni Mahal sa mundong ibabaw.

Sa nasabing video makikita ang dalamhati ni Mura tungkol sa nangyari kay Mahal.

Ani pa ni Mura hindi niya inaasahan ang nagyari sa kaibigan niyang si Mahal dahil noong pumunta si Mahal sa bahay niya ay malakas pa ito at walang nararamdaman na sakit sa katawan.

Sa pagbabahagi pa ni Mura, hindi pa siya naniniwala sa umpisa dahil baka fake news ang mga posts sa social media pero nagulat siya dahil na kumpirma ito ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang biglaang nangyari kay Mahal.

Pinangako pa raw ni Mahal kay Mura na kukunin siya nito sa kanyang bukid upang mabigyan ng project at bumalik muli sa showbiz ngunit hindi na raw ito mangyayari dahil wala na si Mahal.

WATCH FULL VIDEO :

1.2K Shares
Scroll to Top