Netizens nagulat sa ginawa ng fast food crew sa isang matanda na kulang ang pera!

863 Shares

Nagulat ang mga netizens sa ginawa ng isang fast food crew dahil sa kabutihang ipinakita nito sa isang matandang customer na kulang ang dala nitong pera para sa pagkain.

Marami parin hanggang sa ngayon ang mga taong handang tumulong sa mga nangangailangan, marami parin ang mga taong may busilak na puso.

Ibinahagi ng isang netizen na si Marold Aquino ang mga larawan sa social media na kung saan isang matanda ang pumasok sa Jollibee store upang kumain.

Nakita rin ni Harold ang pagtulong ng dalawang crew sa matanda, na habang sila ay kumakain sa Jollibee Crossing Calamba branch.

Nakita niya at pinagmasdan ang matanda na mukhang kakagaling lang nito sa palengke dahil may dala pa itong gulay na nakaplastic.

Habang nakatingin si harold sa matanda na papasok na sa store, tumitingin ito sa menu ng Jollibee at tila nag-iisip kung ano ang kakainin niya.

Noong nakapag-isip na ang matanda ng kanyang kakainin ay agad na itong pumunta sa mga crew ng store at inabot ang bente (Php20) nitong pera ngunit walang pumapansin sa kanya.

May isang crew na babae ang nag-assist sa matanda at pinaupo muna ito sa bakanteng table ngunit pilit parin nitong inaabot ang dala nitong 20 pesos.

Dahil hindi nga pinapansin ang matanda ng mga crew, aktong paalis na ang matanda at naisipang hindi nalang kumain.

Noong palabas na ang matanda sa store ay hinabol ito ng dalawang crew na may dalang burger steak, drinks at tubig at inaabot agad nila ito sa matanda.

Tinanggap ito ng matanda at pilit parin niyang inaabot ang Php20 niyang hawak, hindi parin ito tinanggap ng mga crew at sabi nila na sagot na nila ang pagkain ni Lola.

Marami namang netizens ang humanga sa ipinakita ng mga fast food crew sa nasabing Jollibee branch na umantig sa mga puso ng mga tao.

Copy link
Powered by Social Snap