Ogie Diaz, nakukulangan sa pag-arte ni Jillian Ward; tinawag na “tamad” umarte

Walang paligoy-paligoy na sinabi ng talent manager at host na si Ogie Diaz na nakukulangan siya sa pag-arte ng Kapuso actress na si Jillian Ward sa pinagbibidahan nito ngayong teleserye na “Abot Kamay Ang Pangarap”.

Kamakailan ay ibinahagi ni Ogie sa isang Twitter post na saglit niyang napanood ang nasabing teleserye.

Pagkatapos nito, nagkomento nga si Ogie sa paraan ng pag-arte ni Jillian kung saan direkta niyang sinabi na “tamad” itong umarte sa nasabing teleserye.

Ayon kay Ogie, alam niyang mahusay umarte si Jillian kaya naman hindi niya maiwasang magkomento sa kanyang pag-arte ngayon

Ani Ogie, “Nakanood ako sandali ng “Abot Kamay Na Pangarap” sa GMA. Alam ko mahusay itong si Jillian Ward umarte, eh. Pero dito sa serye, tamad siyang umarte.”

Bukod dito, sinabi rin ni Ogie na nasasayangan siya sa role ni Jillian bilang isang doktor o nurse. Sana raw ay dumaan man lang muna ito sa immersion training sa ospital para matutunan ang karakter niya sa teleserye.

Dagdag pa ni Ogie, “Doktor/nurse pa naman ang role. Walang tensyon sa katawan. Sana, nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character. Sayang.”

Samantala, hati naman ang opinyon ng netizens sa naging komento ni Ogie sa pag-arte ni Jillian.

Sumang-ayon ang ilang netizens sa opinyon ni Ogie habang marami ang tila hindi nagustuhan ang kanyang sinabi tungkol sa pagiging “tamad umarte” ni Jillian.

Iginiit din ng netizens na sana raw ay pinanood muna ni Ogie na umarte si Jillian nang matagal, mula sa umpisa ng teleserye hanggang sa dulo, bago siya nagbigay ng kanyang komento kaugnay ng pag-arte nito.

Komento ng netizens:

“Eh? “Sandali” mo lang napanuod najudge mo na agad yung performance nya? Kumpara mo naman sa mga alaga mong starlet.”

“kulang ka sa data gathering mare, kung thesis to bagsak ka na accla HAHAHA eme sandali ka lang nakanood na judge mo agad na tamad umarte! t0nta!”

“Also, “SANDALI” lang pala nakanood tapos kung makaconclude kna sa acting nung bata. Accla, spare the kid.”

“Much better na panuorin mo simula until now . Para di mo masabi mga Yan Kay Jillian sa series nya”

“Nakanuod pala sandali pero maka judge akala mo alam na kung ano ang character bawat isa dun. King!nang bakla na makapal ang nguso at kasing laki ng sampung piso ang ilong. Kaya kinakarma network mo at di nanalo yang Leni mo e dahil sa isang katulad mong T@NGA.”

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Jillian hinggil sa opinyon ni Ogie sa kanyang pag-arte.