Ogie Diaz, sinabing puro pa cute lang si Ronnie Alonte sa aktingan

Ogie Diaz, sinabing puro pa cute lang si Ronnie Alonte sa aktingan

Nakukulangan ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa pag-arte ng Kapamilya young actor na si Ronnie Alonte.

Sa kanyang Facebook post kamakailan, walang habas na pinuna ni Ogie ang pag-acting ni Ronnie sa latest teleserye nitong “Love in 40 Days” katambal ang kasintahan nitong si Loisa Andalio.

Ayon kay Ogie, tila wala umanong pinagbago ang acting skills ni Ronnie mula nang una itong pumasok sa showbiz.

RELATED VIDEO :

Kung matatandaan, unang sumikat ang aktor taong 2015 nang mapabilang siya sa all-male dance group ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime na “Hashtags”.

Hindi nga nagtagal ay hindi na lamang pagsayaw ang ipinamalas ni Ronnie sa madlang pipol matapos niyang pasukin na rin ang pag-arte.

Kaliwa’t kanan namang ang proyektong natanggap ni Ronnie kung saan katambal niya si Loisa.

Ngunit sa tagal na nga ni Ronnie sa showbiz, kinuwestiyon ni Ogie kung bakit hindi pa rin umano nito nama-master ang simpleng pag-arte.

Ani Ogie, “Sa TFC ko pa napanood ang “Love In 40 Days.” Eksena nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa restaurant. Nag-e-emote sila pareho tungkol ata sa respective daddy nila.

2015 pa nag-start sa kanyang acting career si Ronnie, pero mga ilang taon pa kaya ang kailangan para ma-master niya ang simpleng akting?”

Sinabi rin ni Ogie na parang baguhan pa rin umano ang aktor at hanggang ngayon ay tila nasa “acting workshop” stage pa ang ipinapakitang pag-arte nito.

Aniya, hindi umano niya maramdaman at makita sa mata ni Ronnie ang sinseridad ng ginagampanan nitong karakter.

Dagdag pa ni Ogie, kabisado lamang umano ni Ronnie ang mga linya ngunit wala umanong puso ang pagbitaw niya sa mga ito.

Saad ni Ogie, “Hinahanap ko yung sincerity ng character sa mga mata, hindi ko naramdaman. At halatang kabisado lang ang mga linya. Walang puso ang bitaw. Parang nasa acting workshop stage pa rin siya.”

Sa huli ay sinabihan naman ni Ogie ang talent management ni Ronnie na Star Magic na hasain pa nila ang pag-arte ng aktor.

Pinayuhan din niya si Ronnie na paglaanan ng panahon na pagbutihin at hasain ang kanyang acting skills dahil sa showbiz ay hindi lamang umano sapat na may kagwapuhang taglay ang isang aktor. Mas masarap umano kasi sa pakiramdam na mapuri at hangaan dahil sa husay nito sa pag-arte.

Ani Ogie, “Sana, i-workshop pa siya nang bongga ng Star Magic. Biniyayaan ka na ng magandang mukha, paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte. Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte, eh.”

Pasaring pa ni Ogie sa aktor, “Hindi naman habambuhay, pa-cute lang tayo nang pa-cute. Masarap din naman yung pinupuri ka hindi lang sa kaguwapuhan kundi sa husay din sa pag-arte.”

“Bata pa naman si Ronnie. Kaya pa niyang ayusin at husayan,” dagdag niya.


RELATED ARTICLES