P20 per kilo ng bigas, sobrang labo pa mangyari

P20 per kilo ng bigas, sobrang labo pa mangyari

Nagbigay ng pahayag ni Sen. Cynthia Villar tungkol sa inaasahan ng bawat pamilyang Pilipino na bumaba sa P20 ang bawat kilo ng bigas sa ating bansa.

Ipinaliwanag rin ni Sen. Cynthia Villar na ang presyo ng palay ay nasa P11.50, at kapag matapos na itong gilingin ay aabot ang presyo sa doble at ito ay P30.

“Hindi. Kasi ang cost natin P11.50. To convert it into rice, times two. P11.50 so P23… Paano ‘yung pagtransport, ‘yung kita ng farmers, and all that? So siguro reasonable P30 plus”. ani Sen. Cynthia Villar.

Kaya sa ngayon, ang pagpapababa ng presyo ng bigas sa P20 per kilo ay malabo at hindi pa umano magagawa sa ngayon ayon kay Chairperson Of Senate Committe on Agriculture.

Kung ating babalikan, ang pagpapababa sa presyo ng bigas noong panahon ng kampanya ay isa sa mga layunin at adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at siya rin ang kalihim ng Agrikultura ng ating bansa sa kasalukuyan.

Bahagi rin ng pahayag ni Sen. Cynthia Villar, na mas binibigyan raw ng pansin sa Pilipinas ang bigas kahit hindi ito competitive at price-wise na kung pagbabasehan sa ibang bansa gaya ng Vietnam, ang presyo lamang ng isang kilong palay ay nasa P6.

“But rice production in the Philippines is not as competitive [because] Vietnam can produce rice at P6 per kilo,

“But I see it sa Philippines, hindi nila masyadong ine-emphasize ang vegetable ‘di ba. Ang emphasis rice”, pahayag ni Sen. Cynthia Villar.