Paul Soriano, P1 (PISO) lang ang pa-sahod sa kanya ni PBBM sa isang buong taon

Itinalagang Presidential Adviser for creative communications si Paul Soriano sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Isang malaking karangalan umano para kay Paul Soriano ang magsilbi para sa bayan, ito ay ayon sa kanyang Instagram post.

“It’s an absolute honor to be able to serve, first and foremost, of course, for the country and then of course for the PBBM administration…” caption ni Paul.

https://www.instagram.com/p/Cj0DkFFP2D-/?utm_source=ig_web_copy_link

Makikita sa ibinahaging IG post ni Paul Soriano na kasama nito ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at ang kanyang nag-iisang anak na si Seve.

Sa isang pahayag naman na ibinahagi ni Pres. Bongbong Marcos, gulat na gulat ang mga netizens dahil ang sahod ni Paul Soriano bilang Presidential adviser for creative communications ay P1 (PISO) lamang kada taon.

“One of the greatest assets of the Filipino is our creativity, and we must find many ways to highlight that to the rest of the world,” ani Marcos.

“And that is what Paul Soriano has already been doing in his career as a filmmaker. And now we have asked him to help us at one peso per year,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, si Paul Soriano and direktor sa likod ng mga campaign ads ni PBBM noong national elections, at siya rin ang direktor sa unang SONA o State Of the Nation Address ng pangulo.

Bilang creative communications adviser ng pangulo, si Paul Soriano ang magpapayo sa Pangulo at tutulong sa mga ahensya, kabilang ang government-owned and controlled corporations, sa mga bagay na magpapahusay sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa kani-kanilang mga programa.