Poste ng Meralco, natumba at nabagsakan ang mga tao

Poste ng Meralco, natumba at nabagsakan ang mga tao

Kalbaryo para sa mga residente ng isang barangay sa Tondo, Maynila ang mga poste at buhol-buhol na kable ng kuryente ng Meralco.

Matatandaang nitong Abril 30 lamang ay bumigay at natumba ang poste ng kuryente ng Meralco kung saan dalawang residente ang sug@tan habang ilang sasakyan ang nasira matapos madaganan ang mga ito ng malaking poste ng kuryente.

Isang residente nga mula sa barangay ang nanawagan ngayon sa electric power company na alisin na ang natumbang poste ng kuryente at ang mga buhol-buhol na kable dahil hindi lang ito abala kundi peligro rin sa kaligtasan ng mga residente.

Sa ilang larawan ay ipinasilip naman ng nasabing residente ang sitwasyon sa kanilang lugar kung saan makikita nga na hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinis at tinatanggal ng kumpanya ang kanilang poste at kabli ng mga kuryente.

“PAGING MERALCO TIGNAN NINYO LAMAN NG POSTE NINYO ALAMBRE NASA LOOB NG POSTE ANONG TIBAY NITO DASAL LANG PO NG PAMUNUAN NG AMING BRGY 79 AY HINDI PO NAGING MALALA YUNG NABAGSAKAN NA DALAWANG TAO NA HANGGANG NGAYON NASA HOSPITAL PA..PA SUYO MGA KAPWA KO BRGY CHAIRMAN MATAWAGAN PO NATIN ANG MERLCO KANINA PA PO KAMI TUMAWAG GANG NGAUN WALA PA SALAMAT SA MGA KAPULISAN NATIN NG DON BOSCO PCP SA AGARANG PAG RESPONDE SALUTE,” panawagan ng nasabing residente.

Samantala, sa ngayon ay wala pang ibinabahaging update ang nasabing residente kung umaksyon na ba ang kumpanya sa kanyang panawagan.

WATCH HERE :

source : Youtube

RELATED ARTICLES