Puhunan ni Tatay sa Lemon na tinda nawala dahil sa pekeng pera na binayad ng manloloko!

2.5K Shares

Si Tatay na maayos na naghahanap buhay ang na iscam at naloko dahil sa binayad sa kanya ng isang customer na pekeng isang libo (1 thousand pesos).

Marami parin sa atin ang mga taong mas pinipiling gumawa ng masama sa kanilang kapwa.

Sa kabila ng hirap at mga pagsubok na pinagdaraanan natin ngayon, minsan ang mga taong naghahanapbuhay ng marangal at legal ay sila pa ang nabibiktima ng mga taong walang awa.

Si Tatay ay nagtitinda lamang sa isang bangketa at ayon sa isang post ng Facebook page na Pilipinas Trending Viral si Tatay ay makikita sa Espanya, Manila.

May bumili raw sa kanya ng kanyang tinitindang lemon at naka-kotse pa raw ito kaya hindi niya inaasahan na manloloko pala ito.

Ang mas masakit para kay Tatay na imbes kumita siya noong araw na iyon ay naloko pa siya ng pekeng isang libo.

Sa panahong iyon ay hindi manlang naawa o nakonsyensya ang manloloko dahil si Tatay pa mismo ang kanyang niloko na naghahanap buhay para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang munting mga tinda na lemon.

Si Tatay ay tindero mula sa Taytay, Rizal na dumayo pa umano mismo sa Espanya, Manila upang makahanap ng maraming customers para sa kanyang tinitinda na mga lemon.

Say naman ng mga netizens na sana ay mahuli at managot ang nanloko kay Tatay at makarating ang storya ni Tatay sa programa ni Raffy Tulfo.

SAY PA NG MGA NETIZENS :

“Grabe naman, ang mura na nga ng tinda ni tatay nakuha niyo pa lokohin. Hayaan mu po tay mas malaki po ang mawawala sa kanila.”

“May araw din yang mga taong ganun. Nabubuhay sa panloloko ng kapwa, may karma din yan.”

“Kawawa naman ang hirap magtinda tapos may mga tao pang walang awa sa kapwa.”

Copy link
Powered by Social Snap