Rendon, tinalakan si Slater Young dahil sa ‘pantasya’ comment nito

Humingi na ng sorry ang content creator na si Slater Young kasunod ng kanyang ‘pantasya’ comment.

Matatandaang sa nakaraang podcast nila, pinag-usapan ni Slater at ng asawang si Kryz Uy ang tanong ng isang sender kung ayos lang ba na mayroong group chat ang kanyang boyfriend at nagse-send ng mga photos ng ibang babae.

Iginiit nga ni Slater na ‘normal’ lang ito.

Sa latest podcast na in-upload nitong May 15, tinanggap ni Slater ang kanyang pagkakamali at inaming labis na pagkahiya ang kanyang nararamdaman.

“When I read the articles, I don’t feel angry. I feel ashamed na parang naquo-quote ako ng ganyan. This is not me and I wish I could take it back. It’s shameful na Slater said this and I know for a fact that I said that. Nahiya talaga ako,ani Slater.

Tila naging lesson naman ito sa kanya na maging maingat sa pinagsasabi at humingi nga ng paumanhin sa binitawang salita.

“I just want to put this out there that I truly do apologize and I need a little bit more time to reflect. Apologies. That’s not my intention. In my heart, hindi talaga yun ang intention ko. I hope na mapagbigyan,” paghihingi ni Slater ng paumanhin.

Hindi nagpahuli ang content creator na si Rendon Labador hinggil sa isyu.

Binigyan ng ‘motivational talk’ ni Rendon si Slater dahil sa sinabi nitong normal na magpatansya ang isang lalaki sa ibang babae.

Sa kanyang post, tinawag na ‘tanga’ ni Rendon si Slater dahil sa opinyon nito.

“Huwag kang mang damay! Normal lang yan sa mga bastos na lalake at mga lalaking walang direksyon at purpose sa buhay,” banat ni Rendon.

Hirit pa niya, “Unfocused weak men tend to distract themselves with pleasure. Bottomline: Tanga si Slater.”