Rice Cooker pinakasalan ng isang lalaki!

Rice Cooker pinakasalan ng isang lalaki!

Nakakagulat at nakakabigla ang balitang ito na kumakalat ngayon sa social media, dahil isang lalaki diumano ang nagpakasal hindi sa isang babae kundi sa isang appliances na rice cooker.

Makikita nga sa mga larawan na pinakasalan ng isang lalaki na mula sa Indonesia ang isang rice cooker, mas pinili niya umanong makasama habangbuhay ang bagay na ito bilang katuwang na kanyang maybahay.

Sa mga kumakalat na articles all over social media, nangako pa diumano ang lalaki na mamahalin ang naturang rice cooker hanggang sa hindi na ito gumagana.

Makikita sa isang post na ang mga larawan na ibinahagi sa social media ay ang mismong mga kuha sa knilang kasalan, nakaputing suot ang groom habang hawak nito ang puting rice cooker.

Kapansin-pansin na may puting belo pa ang rice cooker na nagsilbing bride ng lalaki, hinalikan pa ni groom ang rice cooker.

Makikita rin sa viral post na legal ang nasabing kasalan dahil makikita rito na marami silang pinipermahang mga papel sa nasabing seremonya.

Ang lalaking ito ay si Khoirul Anam na mula sa Indonesia, ibinahagi rin nito sa kanyang Facebook post kung bakit napili niyang magpakasal sa isang rice cooker.

SAY PA NI GROOM :

“fair, obedient, loving and good at cooking.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing hindi pwedi na maging legal ang kasalan dahil hindi diumano ito tama, marami rin sa mga nagkomentong netizens na baka raw ay kailangan ng groom na magkaroon ng medical attention lalo na para sa kanyang pagiisip.

Sa update naman matapos ang kanilang kasalan, sa loob lamang ng apat na araw ay naghiwalay na si Anam at ang pinakasalan niyang rice cooker.

Dahil umano walang ibang alam na gawaing bahay at tanging pagluluto lamang ng kanin ang kayang gawin ni Rice Cooker.

Ngunit napag-alaman ng aming team na ang ginawang ito ni Groom ay isang parody lamang, dahil si Groom ay isang sikat na personalidad sa Indonesia at kilala bilang isang content creator siya ay gumagawa ng mga videos pampasaya sa kanyang mga followers.