Rosmar Tan, sumabak na rin sa akting; netizens, humanga

Sumabak na rin sa pag-arte ang vlogger at skincare CEO na si Rosmar Tan Pamulaklakin.

Ito’y matapos siyang mapabilang sa cast ng Kapuso rom-com series na “Zero Kilometers Away”.

Pinagbibidahan ng Kapuso young stars at real-life couple na sina Kyline Alcantara (bilang Gwen) at Mavy Legaspi (bilang Ardi) ang serye.

Umani nga ng papuri mula sa netizens ang pag-arte ni Rosmar sa serye kung saan naka-eksena niya ang kanyang asawa na si Jerome.

Sa nasabing eksena ng dalawa, umiiyak si Rosmar matapos niyang malaman na may ibang babae si Jerome at niloloko siya nito.

Iginiit naman ni Jerome na wala silang relasyon ng nasabing babae.

Ngunit hindi naniniwala si Rosmar sa kanya kaya tiningnan pa niya ang cellphone ni Jerome na ikinagalit naman nito.

Dahil nga sa galing ng pag-arte ni Rosmar sa nasabing eksena kung saan ramdam ng marami ang kanyang emosyon, kaya naman napahanga niya ang maraming netizens.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Wow, matik artista at ang galing tlga. Sana makapanood aq neto”

“Wow ! di lang maganda at mabait very talented din c idol”

“wow may galing mam Ceo npwde na pang best actress”

“Galing mo mag acting madam rosemar”