Skusta Clee, “cheater”, “boo” at “mura” ang inabot sa audience nang mag-perform sa Clark Aurora Music Fest

Skusta Clee, “cheater”, “boo” at “mura” ang inabot sa audience nang mag-perform sa Clark Aurora Music Fest

“Cheater” at “boo”

Ito ang sigaw ng audience nang mag-perform ang OPM rapper-songwriter na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay sa Clark Aurora Music Festival nitong June 10 lamang.

Viral at mainit na pinag-usapan online ang ilan sa mga video ni Skusta habang nagpe-perform sa nasabing Music Festival dahil sa tila hindi mainit na pagtanggap ng audience sa kanya.

Sa halip kasi na salubungin ng palakpakan ng audience ay “boo” at mga “mura” ang natanggap ni Skusta.

Kapansin-pansin din sa video na hindi nagustuhan ng audience ang pagtatanghal ni Skusta dahil pa rin sa kinasasangkutan nitong isyu ngayon na may kaugnayan sa hiwalayan nila ng kanyang dating partner na si Zeinab Harake.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw, trending topic sa social media ang controversial rapper matapos nitong i-flex ang mga sweet photo nila ng kanyang rumored girlfriend na si Aira Lipata.

Si Aira nga ang babae na itinuturong third party diumano sa hiwalayan nila ni Zeinab. Ito rin daw ang babaeng nakaalitan ni Zeinab at ng kapatid nitong si Rana Harake sa loob ng isang bar sa Tomas Morato, Quezon City kamakailan.

Kaya naman maraming netizens ang nanggigil at galit na galit ngayon kay Skusta dahil sa pagtataksil o pagchi-cheat umano nito kay Zeinab at sa anak nilang si Baby Bia.

Sa ilang video kuha nga mula sa performance ni Skusta sa nasabing Music Festival ay mapapanood na hindi magkamayaw ang audience hindi dahil sa ganda ng kanyang performance kundi dahil sa inis at galit.

Makikitang habang nagpe-perform nga si Skusta ay todo naman sa pagsigaw ng “cheater” at “boo” ang audience.

Gayunpaman, mistulang unbothered si Skusta sa mga sigaw at pagmumura ng audience sa kanya at todo pa rin siya sa pagpe-perform.

Samantala, pagkatapos ng kanyang viral performance sa Clark Aurora Music Festival, nag-post naman si Skusta ng mensahe sa kanyang Instagram account hinggil sa naging pag-welcome sa kanya ng audience.

Sinabi ni Skusta na okay lang siya basta mas kilala umano siya ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sa kanya.

Iginiit din niyang masaya lamang siyang namumuhay at wala umano siyang dapat patunayan sa ibang tao.

Ani Skusta, “As long as mas kilala ako ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sakin, okay ako! Wala kong dapat patunayan sa kahit kanino man. I’m just here living my best life. Sa mga tunay na sumusuporta, kapit lang. Mahal ko kayo.”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES