Skusta Clee, ipinakilala na si Aira Lipata sa kanyang mga fans

Skusta Clee, ipinakilala na si Aira Lipata sa kanyang mga fans

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga panibagong post ng controversial rapper na si Daryl Ruiz a.k.a. Skusta Clee.

Sa unang pagkakataon kasi ay tila tinuldukan na ni Skusta ang matagal nang espekulasyon ng marami tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Aira Lipata.

In case you missed it, si Aira ang babae na sinipa diumano ng ex-partner ni Skusta na si Zeinab Harake sa loob ng isang bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Matatandaang naging viral ang insidente matapos kumalat online ang larawan ni Zeinab sa labas ng bar na may kasamang mga pulis at isang abogado.

Nasundan naman ito ng isa pang viral video ng kanyang kapatid na si Rana Harake kung saan maririnig itong may kaaway na isang babae sa nasabing gimikan na hinala ng marami ay si Aira.

Sa naturang video ay tinawag na “p0kp0k kinsemil b!tch” ni Rana si Aira.

Rumesbak naman ang kaibigan ni Aira na si Valentine Rosales at mariin niyang pinabulaanan ang mga balitang ito umano ang third party sa hiwalayan nina Skusta at Zeinab.

Samantala, tila taliwas naman sa sinabi ni Valentine ang ipinapakita ngayon nina Skusta at Aira sa social media.

Ito ay matapos sorpresahin ng dalawa ang maraming netizens ng sweet photos nila together.

Kung pagbabasehan kasi ang mga ipinost na larawan ni Skusta sa kanyang Instagram account ay hindi maikakailang lagpas pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila ni Aira.

Sa isang larawan, makikitang nagyayakapan sina Skusta at Aira. Kapansin-pansin din ang sweetness ng dalawa sa isang larawan na kinunan sa kitchen.

Maliban dito ay tila pinatunayan din ni Aira sa marami na sila na nga ni Skusta matapos siyang mag-post ng isang larawan na nagpapakita ng pangalan ni Skusta na ipina-tattoo niya sa kanyang katawan.

Bagaman wala pa ngang opisyal na kumpirmasyon ang dalawa sa tunay nilang relasyon, hindi maikakaila na sapat na ang mga nasabing larawan para sabihin na higit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila ngayon.

Kaya naman umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang paglalantad ng dalawa sa kanilang mga sweet photo.

Narito ang komento ng netizens:

“Hndi tlga totoo yang humanap ka ng pangit at ibingin mong tunay

kasi kung sino pa ang pangit sia pa ang lakas loob na manloko!_”

“Hndi xa gwapo bkit marmi girl,eh my talent at maypera kaya ganern…pero xa my ksalanan xa din din mg bbyad..d tayo…”

“Hindi rin pala totoo yung kanta ni Andrew E. Na “Humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay” HAHAHAHA! minahal na nga ni Zeinab niloko pa rin”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES