Skusta Clee, nag-walkout sa performance ng Ex Battalion matapos ma-boo at murahin ng audience!

Skusta Clee, nag-walkout sa performance ng Ex Battalion matapos ma-boo at murahin ng audience!

Trending topic ngayon sa social media ang video ng tila pagwa-walkout ng OPM rapper na si Skusta Clee sa latest performance ng grupo niyang ExBattalion.

Ilang araw lamang nga matapos ang kanyang viral performance sa isang music festival na nagmistulang isang malaking disaster matapos siyang ma-boo, pagmumur@hin, at tawaging “cheater” ng audience, isang panibagong video na naman ngayon ni Skusta ang pinagpipiyestahan ng maraming netizens.

Mistulang nagkaroon kasi ng part 2 ang kanyang performance kamakailan lamang sa Clark Aurora Music Festival kung saan “cheater”, “boo”, at “mur@” ang inabot niya mula sa audience habang nagpe-perform.

At sa latest performance nga ng kanilang grupo ay parehong reaksyon ang natanggap ni Skusta mula sa audience kung saan hindi naging mainit ang kanilang pagtanggap sa kanya.

Sa video na inupload ng ilang dumalo sa nasabing event, mapapanood ang ilang audience na hindi magkamayaw sa pagsigaw ng “cheater” at “babaero” habang kumakanta si Skusta. Malulutong na mga mur@ rin ang inabot ni Skusta habang siya ay nagpe-perform kasama ang kanyang mga kagrupo.

Kitang-kita rin sa video ang matinding galit at panggigil ng audience dahil pa rin sa isyung kinasasangkutan niya ngayon at ng kanyang dating partner na si Zeinab Harake.

Ilang linggo na ring hot topic online ang hiwalayan ng dalawa matapos ibunyag ni Zeinab na sa pangalawang pagkakataon ay niloko at pinagpalit siya ni Skusta sa ibang babae.

Lalong pang uminit ang isyu nang lumantad ang pangalan ng TikToker na Aira Mae Lipata na umano’y ang babaeng ipinagpalit ni Skusta kay Zeinab.

Gigil na gigil rin ang maraming netizens ngayon kay Skusta dahil sa lakas ng loob umano nitong manloko at iflinex pa nga niya ang mga sweet photo nila ni Aira sa kanyang social media account.

Mula naman ng pumutok ang isyu hinggil sa pambababae ni Skusta ay matinding bashing na ang inabot niya mula sa netizens.

At maging sa kanyang mga performance nga ay ipinakita ng netizens ang kanilang matinding galit para sa kanya.

Samantala, makikita naman sa huling bahagi ng video na tila hindi na nakayanan ni Skusta ang panta-trashtalk sa kanya ng audience kaya naman mas pinili na lamang niyang mag-walkout at pumunta sa backstage.

Mukhang sa pagkakataong ito ay tila tumagos na nga kay Skusta ang masasakit na salita na ibinabato sa kanya ng audience kaya naman minabuti na lamang niyang tumigil sa pagpe-perform.

Taliwas ito sa naunang pahayag niya na hindi umano siya apektado sa mga negatibong komento na ipinupukol sa kanya ng netizens basta’t ang mahalaga umano ay mas kilala siya ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Giit pa ni Skusta, “As long as mas kilala ako ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sakin, okay ako! Wala akong dapat patunayan sa kahit kanino man. I’m just here living my best life. Sa mga tunay na sumusuporta, kapit lang. Mahal ko kayo.”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES