Skusta Clee, naitsapwera matapos angkinin ni Zeinab Harake ang spotlight sa Aurora Music Fest

Skusta Clee, naitsapwera matapos angkinin ni Zeinab Harake ang spotlight sa Aurora Music Fest

Usap-usapan ang naging performance ng vlogger na si Zeinab Harake sa katatapos lamang na Aurora Music Festival na ginanap sa Clark, Pampanga.

Sinorpresa kasi ng vlogger ang audience nang bigla siyang ipakilala bilang susunod na performer sa Day 2 ng music festival.

Hindi nga magkamayaw sa pagsigaw ang audience nang makita nila ang pasabog na production number ni Zeinab.

Mapapanood sa ilang video na inupload ng mga dumalo sa event na mainit ang naging pagtanggap ng audience kay Zeinab.

Hanggang napasigaw na nga ang audience nang painitin ni Zeinab ang stage sa matapos niyang ipamalas ang kanyang galing sa pagsayaw sa kantang “Buttons” ng Pussycat Doll.

Nagpakitang-gilas sa pagsayaw at paggiling si Zeinab sa harap ng libu-libong tao na dumalo sa event.

Talaga namang inangkin niya ang spotlight ng gabing iyon.

Sa kanyang Instagram, inihayag naman ni Zeinab ang kanyang kasiyahan na muling makapag-perform makalipas ang dalawang taon.

Ani pa niya, “Spotlight moments so happy to do it again after 2 yrs.”

Samantala, hindi naman maiwasan ng netizens na ikumpara ang napakagandang performance ni Zeinab sa performance ng kanyang dating partner na si Skusta Clee sa parehong music fest.

Kung titingnan kasi ay talagang ibang-iba ang naging reaksyon at pagtanggap ng audience kay Zeinab kumpara kay Skusta kung saan sa halip na palakpakan at masayang sigawan ang sumalubong sa kanya ay “boo” at mga “mur@” ang inabot niya mula audience.

Kung ilalarawan ay tila naging isang malaking disaster nga ang performance ni Skusta matapos sabay-sabay na isigaw ng audience ang mga salitang “cheater”, “babaero” at “tul0”.

Na-spottan din ang rapper na tila nag-walkout sa kalagitnaan naman ng performance ng kanyang grupong Ex-Battalion.

Gigil pa rin kasi ang marami sa OPM rapper dahil sa isyu na kinakaharap nito ngayon na may kinalaman sa panloloko umano nito kay Zeinab.

Matatandaan na napabalitang naghiwalay ang dalawa noong nakaraang buwan matapos umanong mag-cheat si Skusta at ipagpalit si Zeinab sa rumored girlfriend nito ngayong si Aira Lipata.

Umani rin ng negatibong reaksyon mula sa netizens ang latest post ni Skusta kung saan iflinex niya ang mga sweet na larawan nila ni Aira na magkasama.

Tila kumpirmasyon nga ang mga ibinahaging larawan ni Skusta na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Aira.

Dahil nga sa pambababae umano ni Skusta kaya naman nakuha ni Zeinab ang simpatya at suporta ng maraming netizens.

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES