Skusta Clee, sinermonan ni Ogie Diaz dahil sa pagiging pabaya umano nitong ama sa anak nila ni Zeinab Harake

Skusta Clee, sinermonan ni Ogie Diaz dahil sa pagiging pabaya umano nitong ama sa anak nila ni Zeinab Harake

May payo ang batikang showbiz columnist at host na si Ogie Diaz sa OPM rapper na si Skusta Clee. Nakarating kasi kay Ogie ang pagiging iresponsabling ama diumano ni Skusta sa anak nila ni Zeinab Harake na si Baby Bia mula nang maghiwalay ang couple.

Tila sinermonan nga ni Ogie si Skusta na huwag umano nitong idamay ang bata sa alitan na namamagitan sa kanila ngayon ng kanyang ex-partner.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na humaharap ngayon sa kaliwa’t kanang kontrobersiya si Skusta matapos ibunyag ni Zeinab ang pambababae umano niya habang sila ay magkarelasyon pa.

Ang hiwalayan ng dalawa ay lalo pa ngang naging masalimuot matapos ipakilala ni Skusta sa lahat ang kanyang rumored girlfriend at itinuturong third party sa hiwalayan nila ni Zeinab na ang TikToker na si Aira Mae Lipata.

Ngunit sa gulo na namamagitan ngayon sa dating couple ay labis na naapektuhan ang kanilang unica hija na si Bia.

Bilang isa ring magulang ay hindi nga maiwasan ni Ogie na makisawsaw na rin sa isyu ng dating couple at kamakailan lamang ay ito ang kanilang naging paksa sa kanyang programang “Showbiz Update”.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay naging sentro ng usap-usapan ng mga netizens ang magkahiwalay na performance nina Skusta at Zeinab Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga. Ito ay matapos ma-boo at murahin ng maraming audience si Skusta habang sinuportahan at chineer naman nila si Zeinab.

Nabanggit nga ng kasama ni Ogie sa show na si Mama Loi na may parinigan diumano na nangyari sa pagitan nina Skusta at Zeinab sa music fest.

Pagkatapos ngang marinig ito ni Ogie ay nagbigay siya ng kanyang saloobin hinggil sa nangyayaring gulo ngayon sa dating couple.

Ayon pa kay Ogie, umaasa siyang hindi na isali ni Skusta sa galit na kanyang nararamdaman ngayon kay Zeinab ang walang kamuwang-muwang nilang anak na si Bia.

Pinayuhan din niya itong huwag talikuran ang kanyang mga responsibilidad sa kanilang anak bilang isang ama.

Ani Ogie, “Sana lang ano, pag ginawa mo yung bata o gumawa ka ng responsibilidad, panindigan mo. Itong kay Skusta, kung galit man siya kay Zeinab, kay Zeinab siya galit, dapat hindi dun sa bata. Dapat, walang kinalaman ang bata. Inosente ang bata para idamay.”

Dagdag pa ni Ogie, “Gawin mo pa rin yung responsibilidad mo bilang ikaw ang ama ng bata. Mahirap yung paglaki nung bata, mababasa na lang niya sa social media, o sa mga YouTube, o sa history ng Google na, ‘Ito pala yung tatay ko, pinabayaan ako, iniwan yung nanay ko. Iniwan kami ng nanay ko.’ Diba? Gusto mo ba yun?”

Sa huli ay sinabi nga ni Ogie na hindi lamang dapat umano mga kanta niya ang dapat pinaninindigan ni Skusta kundi maging ang mga responsibilidad din umano nito bilang ama sa anak nila ni Zeinab.

Ani Ogie, “Hindi lang dapat kanta ang pinaninindiganan natin, hindi lang yung mga kanta o yung mga lyrics na ginagawa natin sa mga kantang ginagawa natin ang isinasapuso natin, pati sana yung responsibilidad natin bilang ama.”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES