Tanya Bautista, awang-awa sa sitwasyon ng asawang si Vhong Navarro sa kulungan

Sa interview ng ilang members ng entertainment media kamakailan lamang kay Tanya Bautista, asawa ng TV Host-comedian na si Vhong Navarro ay kaniyang inihayag kung ano ang sitwasyon sa kasalukuyan ng kaniyang asawa sa detention cell ng National Bureau of Investigation.

Mababait naman daw ang mga tao roon sabi ng asawa niyang si Vhong. 

“Pero siyempre, hindi ko na alam yung hitsura, at ang sabi niya, pinapasaya raw siya ng mga kasama niya roon.” Ani Tanya. 

Dagdag pa niya, “Kaninang umaga? Alam mo, wala. Ano na siya, e, makikita mo talaga sa mukha niya. Tsaka yung, bagsak.”

“Pinipilit niyang kumain. So, yung visit ko sa kanya, kasi nga, parang nagka-catch up kayo, kailangan ko siyang i-update in terms of yung mga ano sa case.”

“Sobrang ang dami niyang tanong. ‘Kumusta na si Yce? Kumusta ka?’ Yung mga ganoon. ‘Tapos, gusto mong kuwentuhan bigla ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat.”

“Tapos ayun, umandar yung oras na kailangan ko na, nu’ng kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya,” Kwento ni Tanya habang lumuluha. 

Dugtong niya pa ay sobrang emotional ng asawa niya sa kulungan at dinig niya ang hagulgol nito. 

“Tapos, yung parang yakap niya. First time yung ganoon. Kasi nga mag-isa siya. Sabi ko nga sa iyo, bumabalik na naman yung trauma niya.”

“Sabi niya humuhugot siya ng lakas sa akin. Pero sabi ko, ‘Mali. Baliktad. Ang nakikita kong lumalaban ka, mas lalo akong tumatapang.’

“Kaya sabi ko, ‘Huwag kang bibigay.’ Mas mahirap lang ngayon kasi hindi ko siya kasama,” Ani ng misis ni Vhong. 

Ani naman ng mga netizens, “Don’t lose you’re Hope Vhong! God will make a way for you! The only way you do is to pray with TRUST @ FAITH to him! God bless you!!”

“pray nalang Kuya vhongzkie.. may dios Naman na katingin at tutulong sa tao.. magdasal k”