Tatay, kinatuwaan matapos magkapalit ang lunch box nila ng kanyang anak

Ang paghahanda ng masustansyang pagkain para sa mga chikiting ay isa lamang sa mga challenging na responsibilidad ng mga nanay.

Hindi lamang ito nangangailangan ng panahon at pagpaplano ng mga pagkain na kailangan ng mga bata, kundi dapat ding masiguro na masarap at nakakabusog ito.

Ngunit para sa mga nanay, hindi lang pagpili ng pagkain ang mahalaga, kundi pati na rin ang pagdidisenyo ng lunch box ng kanilang anak.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na paborito ng mga bata ang mga lunch box na hindi lamang ginawa ng kanilang mga nanay na may pagmamahal, kundi talagang napaka-creative at pinaghandaang mabuti.

Sa pamamagitan nito, mas nagiging enjoyable ang panahon ng pagkain para sa mga bata sa loob ng paaralan.

Kaya naman nagulat ang tatay na si Rexis Timbas dahil pagbukas niya sa kanyang lunch box ay nakita niyang sa kanyang anak pala ito!

Ayon pa kay Rexis, nagkapalit sila ng baon ng kanyang anak at imbes sinigang ang laman ng kanyang lunch box ay mga maliliit na prutas at tinapay ang bumungad sa kanya.

Bukod dito, may nakasulat pa raw na ‘be polite’ sa takip ng lunch box.

Aniya, “Nagulat ako sa laman ng lunchbox ko. Mukhang may nagkapalit, mukhang may batang kumakain ng sinigang ngayon. Kaya pala may nakasulat na ‘Be Polite’ sa takip.”

Maraming netizens naman ang aliw na aliw sa kwento ni Rexis.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Rexis na para talaga sa kanya ang lunch box o bento box na nadala niya.

Ikwenento ni Rexis sa Philstar na hindi raw sila nagkapalit ng kanyang anak dahil ginawa raw talaga ng kanyang asawang si Karmina para sa kanya ang nasabing lunch box.

Aniya, “Pagkabukas ko po ng lunch box ko nagulat po ako kasi mukhang baon po ng anak namin ang nailagay ni mommy ang una ko pong akala ay nagkapalit kami ng baon ng anak ko. Kinausap ko po si mommy kinuwento po niya ‘yung talagang ginawa po niya ‘yun para sa akin.”

Samantala, pinuri naman ng netizens si Karmina dahil sa pag-e-effort nito na gumawa ng lunch box para sa kanyang asawa.

Komento ng netizens:

“Salute sa mga parents na nag eextra effort sa baon ng anak..Akala mo simple lang gumawa ng cutie bento box araw araw.. but i think it takes time..”

“Believe ako kay Nanay dahil sa effort mag prepare to show her love to them”

“Ang swerte nya sa asawa nya…Maasikaso…”