Tindero ng Binatog, binangga ng sasakyan at tinakasan!

1.1K Shares

Sa panahon ngayon lalo na’t sumasailalim tayo sa pademya at hirap ng buhay, marami sa atin ang gagawin ang lahat upang maahon ang pamilya sa kahirapan.

Sa pamamagitan ng social media at teknolohiya ay mas mabilis natin nakukuha ang mga impormasyon na gusto nating malaman.

Marami sa ating mga pinoy ang naghahanap buhay sa malinis na paraan kahit hindi gaano kalaki ang kinikita, makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw ay sobrang sapat na.

Viral sa social media ang mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Jeffrey Narciso, makikita sa kanyang post ang isang lalaki na natapon ang mga paninda nitong binatog sa kalsada.

Ani pa niya na kakalabas pa lamang ni manong sa kanyang bahay upang ilako at itinda ang kanyang mga binatog nang mabangga ito ng isang sasakyan.

Ang masakit pa rito ay hindi siya tinulungan at tumakas pa umano ang nakabangga sa kanya.

Sobrang naaawa ang mga netizens sa kalagayan at sa nangyari sa tindero dahil si manong ay naghahanap buhay lamang, nawala ang kanyang puhunan para sa araw na iyon dahil sa masaklap na nangyari sa kanya.

Marami rin sa mga netizens ang nakaramdam ng galit dahil sa nangyari at dahil na rin tumakas ang nakabangga sa tindero.

Kaya naman pinagpapasa-diyos na lamang nila ang nakabangga sa tindero dahil nagawang tumakas ng nakabangga imbes na tulungan si manong.

FULL FACEBOOK POST :

“Kawawa naman si tatay klalabas lng niya pra mg binta ng binatog kanina. Nabunggo nang tricycle tinakbuhan pa cya. Nag titinda sya nang (binatog _mais”

NETIZEN COMMENTS :

“Yung pakiramdam na galit ka tapos ang sikip sa dibdib habang tinitingnan mo ang mga litrato. God bless you tay.”

“San ka tay? Bayaran ko nalang”

“kawawa naman po si tatay minsan na lang po humawak ng pera gaganyanin pa”

Copy link
Powered by Social Snap