Toni Fowler, kinausap ang anak na wag gayahin ang paghubad para kumita

Aware raw ang anak ng vlogger at “Batang Quiapo” actress na si Toni Fowler na si Tyronia tungkol sa kanyang viral at controversial ‘MPL’ music video.

Sa panayam ng vlogger na si Ghost Wrecker aka “Trash Talk King” kay Toni, inamin niyang kinausap na niya si Tyronia tungkol sa ‘MPL’ music video na naglalaman ng ilang explic1t at malalasw4ng content.

Ibinahagi nga ni Toni na naipaliwanag na niya kay Tyronia kung bakit kailangan niyang gawin ang mga nasabing content.

Ayon kay Toni, ipinaliwanag na niya kay Tyronia na kaya niya ginawa ang video ay dahil napakahirap kumita ng pera ng mga taong kagaya niya na walang pinag-aralan.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Toni na nasabi na niya kay Tyronia na trabaho lang ang kanyang ginagawa at ang mahalaga raw ay hindi nito gayahin ang kanyang trabaho.

Ani Toni, “Palagi kong sinasabi sa kanya na ‘Ito ‘yung trabaho ni mommy. Napakahirap kasing kumita ng pera sa Pilipinas lalo na kung katulad ko na wala kang utak, bobo ka, wala kang pinag-aralan.”

“Napakahirap, anak. Anumang gawin ni Mommy na trabaho, anuman ang ginagawa ko ngayon, ang mahalaga hindi mo ito gagawin paglaki mo dahil nag-hustle ako para sayo’,” dagdag niya.

Samantala, sa nasabing interview ay inamin din ni Toni na ‘goal’ talaga niyang pag-usapan ang MPL music video dahil kikita siya nang malaki rito.

Kaya sa huli, nagpapasalamat si Toni sa mga taong kahit galit daw sa kanya ay pinanood pa rin ang MPL music video.

Bukod dito , ibinahagi rin ni Toni na maglalabas siya ng panibagong music video kasunod ng MPL.

Aniya, “Sa mga galit sa akin pero pinanood pa rin ‘yung video ko, thank you so much sa panonood kasi ako pa rin naman ang pumera doon. Yung naman din ang goal ko e… Huwag kayong mag-alala, lulupitan ko pa next time.”