Vanessa Raval, hindi pala anak ni Jeric Raval

Vanessa Raval, hindi pala anak ni Jeric Raval

May payo ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz para sa social media personality na si Vanessa Raval.

Si Vanessa, lingid sa kaalaman ng lahat, ay hindi talaga anak ng Pinoy action star na si Jeric Raval at hindi kapatid ng sexy actress na si AJ Raval. Anak umano si Vanessa ng kapatid ni Jeric ayon sa sinabi nito kay Ogie .

At kamakailan lamang ay naging maugong nga ang kanyang pangalan dahil sa kanyang mga post sa social media tungkol sa isang kilalang “pangit” na rapper na diumano ay nangungulit sa kanya sa chat.

Ngunit sa huli, inamin niya sa lahat na “scripted” o ginawa lamang niya ang isyu.

Hindi man niya malinaw na sinabi ang kanyang dahilan kaya niya ginawa ang isyu, sinabi ni Vanessa na ginawa niya ito para umano sa mga taong mahal niya.

Samantala, kasunod nga ng pag-amin ni Vanessa na pakulo lamang niya ang isyu, naglabas naman ng kanyang saloobin tungkol dito si Ogie.

Sa kanyang YouTube channel, iginiit ni Ogie na napakahalaga na may kredibilidad ang isang taong gustong pumasok sa showbiz industry.

Pero dahil sa ginawang pagsisinungaling ni Vanessa ay nawalan umano siya nito.

Ayon pa kay Ogie, baka sa susunod na may sasabihin si Vanessa ay baka wala nang maniwala sa kanya.

Ani Ogie, “Eto didiretsuhin ko na si Vanessa. Day, kung gusto mong pumasok sa aming industriya, diyan ka una nilang nakikilala. ‘Yung nagsinungaling ka, gumawa ka ng script kaya everytime magsasalita ka, baka magduda na ‘yung mga tao, hindi na sila maniwala sa’yo. Saka lang sila maniniwala na ‘pag sinabi mo, ‘Ang dami kong tattoo sa katawan.’ Du’n lang sila maniniwala kasi nga ipapakita mo na marami kang tattoo.

Kahit hindi tayo reporter, dapat, lalo na’t papasok tayo sa industriyang ito, sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng larangan, dapat may credibility tayo

O tignan mo ‘yan, para siyang ‘the boy who cried wolf’. Pa’no pa next time, kung meron siyang i-claim, kung meron siyang sabihin? Kahit magngangawa ka diyan, ‘Naku, baka pinasasakay lang tayo ng Vanessa Raval na ‘yan. Echoserang palaka ‘yan e.’ Baka gumanu’n na naman sa kanya ‘yung mga tao.”

Sa huli, pinayuhan naman ni Ogie si Vanessa na ‘ibangon’ muli ang kanyang kredibilidad at huwag na itong gumawa ng isyu na mas lalong makakapagpapangit sa kanyang imahe.

Ani Ogie, “Kaya ‘yon ang dapat mong ibangon ngayon, Vanessa, ‘yung iyong credibility. Naku tignan mo oh, hindi pala siya anak ni Jeric. Tapos scripted lang pala. Tingnan mo, ganyan ang paumpisa mo, anak, paano?”