Vhong Navarro, hindi tinulungan ng kaibigang Artista

Bumuhos ang suporta ng mga tao sa social media para sa actor at It’s Showtime host na si Vhong Navarro. 

“We Stand with Vhong Navarro” ito ang pagpapakita ng mga netizens ng suporta kay Vhong Navarro at trending ito kamakailan sa social media. 

Sa panibagong video ni Ogie Diaz sa kaniyang Youtube Channel ay nag-bigay sila ng update patungkol kay Vhong Navarro at sa kalagayan nito. 

Anila ay nagkausap umano si Vhong at ang kuys nitong si Billy Crawford bago ito kuhanan ng cellphone.

Nabanggit din ni Ogie Diaz na isa pa umanong kaibigang artista ang hiningan ng tulong ni Vhong ngunit nabigo ang aktor. 

Aniya, “Ang alam ko meron siyang hiningan ng tulong. Nagbakasakali siya na baka matulungan siya..”

“Tapos sinagot si Vhong pero itinuro sa iba. Oo. Tapos nag follow-up yata si Vhong tapos SEEN. Seen, puro seen lang.” Ani Ogie. 

“Blind item ba yan nay?” tanong ni Mama Loi. 

“The who? Clue!” hindi na sinagot ni Ogie ang hirit na ito ni Mama Loi at sinabi nalang na dito malalaman ni Vhong Navarro kung sino ang tunay niyang kaibigan. 

“Do’n mo matetest talaga yung mga tunay mong kaibigan. Sa panahon na kailangang kailangan mo sila” 

Komento naman ng mga netizens: 

“I believe in my heart Vhong is innocent. Be strong Vhong….”

“praying for Vhong and his family, be strong, God  is good, God bless..”

“Miss you Kuya Vhong #WeBelieveVhong #JusticeForVhong  #KapamilyaForever”

“Maraming naniniwala at nananalangin pra sayo Vhong,.merong gagamitin ang DIYOS pra ka matulungan. Tenk yow po sa inyo Sir Ogie Ms. Loi and all.”

“thank u guys ! sana nga po mama ogs lumabas n yong totoo ! sad din po sa ng yayari ky kuys vhong i like the team showtime nkaka aliw lalong n sa aming ofw”