Vhong Navarro iyak ng iyak, di makakain at makatulog sa loob ng detention center ayon kay Cristy Fermin

Muling napag-usapan nina Cristy Fermin at ng kanyang co-hosts na sina Morly Alinio at Romel Chika ang isyung kinasasangkutan ng “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro.

Isa sa naging paksa ng kanilang usapan sa online show nilang “Showbiz Now Na!” nitong Martes, Setyembre 27, ay ang kondisyon ni Vhong sa detention center.

Matatandaang nakakulong ngayon si Vhong sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center kasunod ng ikalawang arrest warrant na inilabas ng Taguig City court noong Setyembre 20, para sa kasong r@pe na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Non-bailable o walang piyansa ang inirekomenda sa nasabing arrest warrant kaya naman na-detain si Vhong.

Ibinunyag nga ni Cristy ang kondisyon ngayon ni Vhong sa loob ng detention center ng NBI base sa kwento umano ng isa niyang kaibigan sa kanya.

Ayon kay Cristy, umiiyak si Vhong sa loob ng detention center.

Bukod sa pag-iyak, hindi rin daw makatulog nang maayos si Vhong at walang gana kumain sa loob ng detention center kahit dinadalaw siya ng antok at gutom na gutom na.

Hinuha naman ni Cristy na dahil sa laging iniisip ni Vhong ang kanyang kaso at ang kanyang pamilya sa labas.

Samantala, ibinunyag din ni Cristy na naghain ng apela ang kampo ni Vhong upang siya ay makapagpiyansa at mabigyan ng provisional liberty o pansamantalang kalayaan.

Sinabi naman ni Cristy na umaasa siyang pagbibigyan ng korte ang apela ni Vhong na makapagpiyansa.

Sa ngayon ay wala pang update kaugnay ng desisyon ng korte sa nasabing apela ni Vhong.

Si Vhong Navarro o Ferdinand Hipolito Navarro sa totoong buhay ay kilala sa kanyang talento sa pagsasayaw, pag-arte, pagpapatawa, at pagho-host.

Sumikat si Vhong matapos sumali sa sikat na dance group na “Streetboys” na naging daan para makapasok siya sa showbiz.

Bago lumabas ang sunud-sunod na warrant of arrest laban sa kanya para sa mga kasong “acts of lasciv!ousness” at “r@pe” na inihain ng kampo ni Deniece, napapanood si Vhong sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” kasama ang komedyanteng si Vice Ganda, aktres na si Anne Curtis, at marami pang iba.

Kamakailan naman ay nagpahayag ng suporta ang mga kasamahan ni Vhong sa programa.

Sa pangunguna ni Vice ay nag-alay sila ng isang group hug para ipakita ang kanilang pagmamahal at suporta kay Vhong sa gitna ng pinakamahirap na yugto buhay nito ngayon.