Vice Ganda at Billy Crawford nag-UNFOLLOW sa isa’t-isa!

Vice Ganda at Billy Crawford nag-UNFOLLOW sa isa’t-isa!

Bestie no more? Vice Ganda at Billy Crawford nag-UNFOLLOW sa isa’t-isa?

Isa si Vice Ganda at Billy Crawford sa maituturing na matalik na magkaibigan sa larangan ng showbiz.

Nabuo ang kanilang samahan noon dahil sa programang It’s Showtime, ilang pagsubok ang hinarap ng kanilang programa pero nariyan parin sila para bumangon.

Sinubok ang kanilang pagkakaibigan matapos magsara ang Abs-Cbn, at tuluyan na ring umalis si Billy Crawford sa Abs-Cbn upang lumipat sa kabilang network na TV5.

Nagkaroon ng offer si Billy Crawford upang maging host ng Lunch Out loud (LOL) na katapat naman ng pinanggalingan nyang programa na It’s Showtime.

Naging emosyonal si Vice Ganda noon nang imbitahan nya sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa kanyang programang Vice Ganda network na on-air online.

Dito ay napag-usapan nila ang network transfer ni Billy Crawford na isa umano sa mabigat na desisyon na kailangan nyang gawin para sa kanyang pamilya.

Kung matatandaan din nagkaroon ng mga parinigan sa mga dating host ng It’s Showtime na sumakabilang bakod na tungkol sa nangyayari umano sa nasabing programa.

Sa kabila nga nito ay gulat na gulat ang mga madlang pipol sa balitang may samaan umano ng loob s Vice Ganda at Billy Crawford dahil sa pag unfollowed nila sa isa’t-isa sa kani-kanilang mga Instagram accounts.

Kaya hindi napigilan ng mga netizens ng magbigay ng kanilang opinyon dahil nanghihinayang ang mga ito sa pagkakaibigan ng dalawa kung sakaling totoo man na meron silang problema na kinakaharap.

NETIZEN COMMENTS :

“Parang panget naman kasi talaga ugali ni billy” 

“Wala tayong alam sa tunay na nangyare. So wag mag judge agad agad.”

“It’s because of the pinkshit mouth of VG..”

“nagkakaalaman na kung sino talaga yung nagpapahalaga sa pagkakaibigan nila. malalaman mo talaga kung sino yung totoo, kapag may mga bagay na nawawala o bumabagsak. sakit naman sa part ko as a showtime fan since then.”

“Wala eh. Walang utang na loob yang Billy na yan!!! Sila Vhong nga eh solid tapos si Anne Curtis babalik pa next year”

“Kinakain na kasi sya ng sarili nyang ugali.”

“Vice ganda dahan dahan lang sa pananalita.hindi mo alam marami ka ng nasasagasaan.ang kayamanan at katanyagan ay may hangganan.ngunit ang mga tunay kaibigan ay nandyan anuman ang katayuan mo sa buhay”