Vicki Belo, dismayado dahil ‘di pinapasok sa Chanel fashion show matapos lamang siya ma-late ng 5 minuto

42 Shares

Isa sa pinakahihintay ng marami sa Paris Fashion Week ay ang fashion show ng French luxury brand na Chanel.

Lingid sa kaalaman ng lahat, iilan lang ang iniimbitahan para mapanood ang Chanel fashion show at isa na rito ang celebrity doctor na si Vicki Belo.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dra. Vicki na naimbitahan siyang manood ng Chanel fashion show.

Hindi maikakaila na excited si Dra. Vicki kasi ‘believe it or not’ kahit taon-taon daw siyang uma-attend sa Paris Fashion Week, unang beses pa lamang niyang mapapanood ang fashion show ng Chanel.

Kaya naman mapapanood mo si Dra. Vicki sa kanyang video na excited habang naghahanda para sa fashion show.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi natuloy ang panonood niya ng Chanel fashion show!

Pagdating kasi nila sa venue ng fashion show, sarado na raw ang mga pinto at hindi sila pinapasok.

Ang dahilan? Dahil lamang na-late sila ng 5 minuto. Grabe!

Hindi nga napigilan ni Dra. Vicki na malungkot dahil na-miss niya ang kanyang kauna-unahang Chanel fashion show sa Paris.

Inilarawan naman ni Dra. Vicki ang nangyari bilang “not meant to be”.

Mukhang hindi pa raw talaga oras para sa kanyang first ever Chanel fashion show experience.

Ani Dra. Vicki, “As usual, Filipino time, I was late by 5 minutes and they’re very strict here. Sinarado na ang door so hindi ako makakapasok, so sad naman. Ngayon lang sana ako maka-attend ng Chanel pero not meant to be. Okay lang.”

42 Shares
Scroll to Top