Marami ang nahabag sa delivery rider na paulit-ulit na lumuhod at nagmakaawa sa isang traffic enforcer para hindi lamang siya matiketan.
Viral sa social media ang video ng pagluhod at pagmamakaawa ng delivery rider sa traffic enforcer.
Ayon pa sa maraming netizens, marahil nagawang lumuhod ng delivery rider sa traffic enforcer dahil sa labis na pangangailangan.
Maliit na raw kasi ang kinikita ng delivery rider at mapupunta lang ito sa pambayad niya sa kanyang traffic violation.
Kaya naman maraming netizens ang naawa sa delivery rider.
Maraming netizens din ang binatikos ang traffic enforcer dahil hindi man lang ito nahabag sa pagluhod ng delivery rider.
Ayon pa sa maraming netizens, marahil kung mayaman ang nahuli nito ay papalampasin na lamang nito ang traffic violation.
Komento pa ng netizens:
“Trending si Traffic Enforcer. Totoo nmn, palaging katwiran, trabaho lng. Pero mas masarap s pakiramdam un trabaho mo samahan mo ng Puso at malasakit.”
“Sometimes, we should choose to be kind, than to be right…and this is that time to do it…”
“Minsan sa sobrang tapat natin sa trabaho, nakakalimutan na natin makipag kapwa tao”
“Peru pag naka 4 wheels ligtas. Pag naka 2 wheels hahanapan ka Ng violation. Saklap pilipinas.”
Bonggang tulong nina Viy at Rosmar
Samantala, matapos mag-viral ang pagluhod at pagmamakaawa niya sa traffic enforcer, bumuhos ang tulong para sa delivery rider.
At kabilang sa mga nagpaabot ng tulong ay ang mga vloger at beauty and skincare CEO na si Viy Cortez at Rosmar Tan Pamulaklakin.
Sa post ng isang netizen, makikitang personal na pinuntahan ni Viy ang delivery rider para bigyan ito ng pinansyal na tulong.
Caption pa ng netizen, “Lalamove rider Na nahuli ng enforcer sa counter flow Na trending sa social media binigyan tulong ni mam viy Cortez ng financial assistant…!”
“Napa ka buti nio pong tao mam saludo po ako sa inyo Nawa’y pag palain po kyo palageh ng ating mahal Na dyos,” dagdag niya.
Pinapahanap naman ni Rosmar ang delivery rider dahil bibigyan umano niya ito ng P15,000 at isang helmet.
Ani Rosmar sa kanyang post, “Grabe kuya magpakita ka na sakin! May HELMET ka na may 15kyaw ka pa #rosmarcares #PINAKAMALAKAS”