Wilbert Ross, ibinunyag kung sino ang nambully sa kanya sa It’s Showtime

Ibinunyag ni Wilbert Ross kung sino ang nam-bul!y sa kanya sa It’s Showtime.

Ikwenento rin ni Wilbert d3presyon na naranasan nang maging biktima ng power-tripping o pambu-bu!ly ng isang boss sa It’s Showtime.

Ayaw umano sa kanya ng isa sa mga boss at ang power-tripping na naranasan ang nagtulak sa kanya upang saktan ang sarili.

“Sa It’s Showtime po, may tao na ayaw sa akin talaga. Isa sa mga boss. Tapos, umabot na rin na pati sa segment ko, like may mga segment sa Minute To Win It, two hours na lang bago ang taping, pinapalitan po ako ng ibang Hashtag,” pagsisiwalat ni Wilbert.

Paglalarawan pa niya, “Powerful po siya. Nagreklamo ako sa itaas, sa ABS-CBN management, siya ang kinampihan.”

Ayon sa kanya, hindi na nagtatrabaho sa It’s Showtime at sa ABS-CBN ang naturang boss.

“Kaklaro ko lang yan, specific na tao lang siya, wala na siya sa Showtime, wala na siya sa ABS-CBN,” saad ni Wilbert.

Wala umano siyang sama ng loob sa mga katrabaho sa It’s Showtime at ABS-CBN.

“Maliban sa tao na yun, wala akong kahit na anong negative na natatanggap sa ABS or Showtime,” paglilinaw niya.

Ibinahagi niya namang tinulungan siya ni Vice Ganda na mapabilang sa mga segments sa nasabing show ngunit hindi niya sigurado kung nakausap ba ni Vice ang naturang boss.

Nagsilbi naman na inspirasyon para kay Wilbert ang ginawa sa kanya para galingan pa.

Aniya, “Nagbigay siya sa akin ng lakas ng loob na galingan pa, na ituloy-tuloy lang, na mayroon akong maibibigay. Pero aaminin ko, naapektuhan ako nung time na yun. Pero never pumasok sa isip ko to give up.”