Matapos ang kontrobersyal na binyag ng anak, spotted na nag-eenjoy sa isang resort ang magkasintahang Xander Ford at Gena Mago.
Sa bagong vlog ni Gena, makikita ang masayang bakasyon nila ng kanyang pamilya at ilang kaibigan sa Green Villa Resort sa Cavite.
Mukhang nagpunta sila sa resort isang araw matapos ang binyag at reception ng kanilang anak na ginanap din sa nasabing resort.
Ipinakita ni Gena ang tinutuluyan nilang private room na kayang mag-cater ng hanggang 26 pax at mayroon pang pool.
“Tingnan n’yo naman rooms nila, Japan-style. At kapag binuksan n’yo ‘yung pinto dyan, talaga namang nakaka-relax, lalo na kapag umaga,” pagkukwento pa ni Gena.
Dahil sa vlog na ito, marami ang nagtaka kung paano nila nabayaran ang mga gastos sa kanilang bakasyon sa resort.
Fresh pa rin kasi sa netizens ang na pagsasapubliko ng magkasintahan na may problema sila sa pera.
Ayon sa isang netizen, “Sino na naman kaya pagbabayarin ng nagastos dito? Antay na naman tayo ng bagong issue nito sa kung sino magbabayad sa nagastos dito sa resort.”
“Pag may mangangako sa inyo wag na po kayo umasa at lalo wag kayo umasa sa ibang tao masarap mag waldas ng luho sa sariling pera at sikap po!!mas maganda Ang Wala Tayo utang na loob sa ibang tao,” payo naman ng isa pang netizen.
Noong nakaraan lang ay naging usap-usapan ang binyag ni baby Xeres.
Ito’y matapos magparinig ni Xander sa mga bisita, ninong at ninang na hindi sumipot sa binyag.
Inireklamo niya rin si Christian Merck Grey dahil hindi umano nito tinupad ang pangakong magbibigay ng P349,000 para sa binyag ni baby Xeres.